SAN BEDA nakauna sa NCAA finals | Bandera

SAN BEDA nakauna sa NCAA finals

Mike Lee - November 12, 2013 - 03:05 PM

Mga Laro sa Huwebes
(Mall of Asia Arena)
12:30 p.m. CSB-LSGH vs San Beda (juniors)
2:30 p.m.  Letran vs
San Beda (seniors)
UMARANGKADA ang opensa ng San Beda Red Lions  sa huling walong minuto para biguin ang Letran Knights, 80-68, at hawakan ang 1-0 kalamangan sa 89th NCAA men’s basketball finals kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Gumawa ng tatlong tres si Baser Amer, nagdagdag ng dalawa si John Ludovice at si Ola Adeogun naman  may naghatid ng pitong puntos sa 23-5 rally ng San Beda na nagbigay sa Red Lions ng 75-62 kalamangan.
“Amer has been missing his shots in the first three quarters but he came back in the fourth. What a heart of a champion,” papuri ni San Beda coach Boyet Fernandez na lumapit ng isang laro para kunin ang kanyang unang NCAA title at ika-18 naman ng Red Lions sa kasaysayan ng liga.
Bago ito ay nagdomina muna ang Knights sa ikatlong yugto at si Raymond Almasan ay nagbuhos ng 14 sa kanyang 16 puntos sa second half  para ilayo ang koponan sa 53-47.
Magkasunod na buslo nina Mark Cruz at John Tambeling ang naglayo pa sa Knights sa lima,  57-52. Pagkatapos nito ay humataw na ang Red Lions sa opensa.
“We were down by six heading into the fourth period and I just told the boys to stay in our system, make stop and score and that’s   what they did,” dagdag ni Fernandez.
Si Adeogun, na nalagay sa foul trouble sa first half, ang nanguna pa rin sa kanyang 16 puntos at 11 rebounds habang si Amer at Ludovice ay naghatid ng tig-11 puntos at may tigatlong tres a laro. May walong rebounds at six assists din si Amer.
Ang bench ang nakatulong sa panalo ng Lions dahil ang magkapatid na sina Anthony at David Semerad ay gumawa ng siyam at anim na puntos para bigyan ng 37 bench points ang San Beda.
Si Cruz ay mayroong 22 puntos, 7 rebounds at 7 assists habang ang third pick sa PBA Rookie Draft na si Almazan ay may 16 puntos, 10 rebounds at 3 blocks.
Sa juniors division, binigo rin ng San Beda ang La Salle Greenhills, 79-68, para sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three finals match.— Mike Lee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending