WALA nang nakapigil pa sa muling pagsabak ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa mundo ng politika makalipas ang mahigit tatlong taon.
Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy ang award-winning actress ngayong araw, October 3, sa Batangas Provincial Capitol para sa darating na 2025 elections.
Kakandidato uli bilang governor ng Batangas si Ate Vi sa May, 2025 election. Ito rin ang posisyong pinamahalaan niya sa loob ng tatlong termino (mula 2007 hanggang 2016).
Ang huling government position na hiwakan niya ay ang pagiging representative ng 6th district ng Batangas. Pagkatapos ng una niyang termino ay hindi na siya tumakbo uli.
Samantala, nakasama rin ni Ate Vi sa paghahain niya ng CoC ang dalawa niyang anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto. Tatakbo rin sila sa magaganap na eleksyon next year.
Baka Bet Mo: Diwata nag-file na rin ng CoC para sa Vendors Partylist: May pa-unli rice
Kakandidato si Luis bilang vice-governor ng Batangas habang si Ryan naman ay tatakbo bilang congressman ng 6th District ng Batangas, na siyang dating pwesto ni Ate Vi.
Kasama rin ng mag-iinang Vilma, Luis, at Ryan sa paghahain ng CoC si Secretary Ralph Recto at ang wifey ni Luis na si Jessy Mendiola.
Samantala, hati ang saloobin ng publiko at mga netizens tungkol sa pagtakbo ng mag-iina sa 2025 elections. May mga sang-ayon pero meron ding kumontra.
Sey ng mga fans ni Ate Vi, siguradong marami pang matutulungan ang kanilang pamilya sa Batangas at wala silang nakikitang problema sa pagtakbo ng mag-iina next year.
Ngunit kinukuwestiyon naman ng ilan ang desisyong ito ng pamilya Santos at Recto at sinabing maliwanag na “political dynasty” ang peg ng mag-iina.