Viy Cortez buntis na sa 2nd baby nila ni Cong TV: Kuya na si Kidlat!

Viy Cortez buntis na sa 2nd baby nila ni Cong TV: Kuya na si Kidlat!

CONFIRMED! Madadagdagan na ng bagong miyembro ang pamilya ng YouTube stars at influencers na sina Cong TV and Viy Cortez.

Ibinandera ng mag-asawang content creator sa buong universe na magkakaroon na sila ng second baby.

Sa recent vlog nila, makikita ang mga bonding moments nina Cong TV at Viy kasama ang kanilang panganay na anak na si Kidlat.

Sa isang bahagi ng video ay nakasuot ng cute shirt ang bata na may nakasulat na “Big Brother” para naman sa kanilang photoshoot.

“Sa bawat pahina ng aking buhay, ang aking paborito ay ang pagdating ng isang Cong.

Baka Bet Mo: Baby nina Viy Cortez at Cong TV na si Baby Kidlat pampa-good vibes sa socmed: Nakakawala siya ng stress!

“At hindi pa roon natapos, may dumating nang naisulat din ang isang Kidlat. At ngayon, mayroon panibagong isusulat na kabanata, na magiging kuya na si Kidlat,” ang pahayag ni Viy.

Ni-repost din ni Viy ang mga naging reaction ng kanilang mga kapamilya, mga kaibigan at supporters sa good news na ibinahagi nila.

“Dalawa na, huwag ka nang maggagagalaw, magtatabaho na ako … ninenerbyos ako, may dadalhin na naman tayong bata sa mundong ito,” sey naman ni Cong TV matapos malaman na magiging dalawa na ang kanilang baby.

Sa bandang ending ng vlog, mapapanood ang pagbisita ng sikat na content creators sa kanilang doktor kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig nila ang heartbeat ng baby.

Bumuhos ang pagbati ng mga netizens kina Cong TV at Viy kabilang na ang kanilang celebrity friends tulad nina Angelica Panganiban, Benj Manalo, Alodia Gosiengfiao at marami pang iba.

Biro naman ng ilang followers ni Viy ay nag-suggest na pangalanan namang “Kulog” ang ikalawa nilang baby.

July, 2022 nang isilang ni Viy ang panganay nila ni Cong TV na si Kidlat. Ikinasal naman ang mag-asawa noong June, 2024.

Read more...