CURIOUS ang mga ka-BANDERA kung tuluyan na bang papalitan ni Kaladkaren ang kanyang screen name?
Kamakailan lang kasi, pasabog ang pagbabalik ng actress-news anchor sa primetime newscast ng TV5 na “Frontline Pilipinas” matapos ikasal sa England.
Bukod sa bago niyang look, ipinakilala niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang married name.
“Ako po si Jervi Wrightson,” proud niyang sinabi sa pagsisimula ng kanyang showbiz segment sa nasabing newscast.
Pagkatapos ng telecast, ibinandera niya ang kanyang reaksyon sa bagong pangalan.
Baka Bet Mo: Kaladkaren nagtapos sa UP na isang lalaki, bumalik bilang ganap na babae
“So happy I did the newscast today as Jervi Wrightson!!![three crying emojis] New name, new look!” caption niya, kalakip ang ilang litrato ng pagbabalik niya sa programa.
Wika pa niya, “This is just the beginning! [red heart emoji][rainbow emoji].”
Sambit pa ni Kaladkaren, “As a trans woman in the Philippines, I have never imagined that one day I’ll be able to use my married name on national TV, prime time newscast.”
As of now, wala pang detalye kung hindi na talaga niya gagamitin ang screen name na “Kaladkaren.”
Magugunita noong September 8 nang ikinasal ang TV and radio personality sa long-time British partner na si Luke Wrightson makalipas ang 12 years na magkarelasyon.
Ang kanilang wedding ay ginanap sa Scarborough, North Yorkshire na isang resort town sa England.
Maliban sa “Frontline Pilipinas,” si Kaladkaren ay regular judge ng reality competition na “RuPaul’s Drag Race Philippines.”