BINI Gwen kumasa sa ‘halloween makeup transformation’, fans napa-wow

BINI Gwen kumasa sa 'halloween makeup transformation', fans napa-wow

BINI Gwen Apuli

BUKOD sa pagsayaw at pagkanta, talented din pala si BINI Gwen pagdating sa creative makeup!

Trending sa social media ang ibinandera niyang TikTok makeup challenge na kung saan ay nag-transform siya bilang si “Pennywise,” ang infamous clown mula sa 2017 horror movie na “It.”

Mapapanood sa video ang step-by-step niyang pagpipinta sa mukha, pati na rin ang pag-lipsync niya sa ilang sikat na linyahan ng nakakatakot na clown.

“Advance happy Halloween? [clown emoji],” caption ng P-Pop idol sa kanyang post.

Baka Bet Mo: Kathryn 2 kurso ang pinagpipilian sa college: Unang dream ko talaga maging makeup artist

@bini_gwen Advance happy halloween?🤡 #BINI #binigwen ♬ original sound – Kathryn Denny

Isang araw pa lang nang inupload ni Gwen ang video at kasalukuyan na itong umaani ng halos 10 million views at mahigit 1.7 million likes.

Sa X (dating Twitter), ibinunyag ng pop star na limang oras niya ginawa ang challenge at kasama na raw diyan ang pag-e-edit ng video.

“2:30pm-7:30pm PAGOD NAKO KAYA GOOD FOR 5 YEARS NA YANNNN!!!!” sey ni BINI Gwen matapos tanungin ng isang fan.

Wika pa niya, “Kasama na tiktok video dun guys kasi di ako marunong finigure out ko pa paano ko gagawin HAHAHA.”

PHOTO: Screengrab from X/@bini_gwen

Sinabi rin ng lead rapper and lead vocal ng BINI na ito ang magsisilbi niyang makeup comeback, bilang dati na siyang kumakasa sa ilang makeup transformations.

“Dahil late ako lagi, this time mag-aadvance ako ng Halloween, comeback ko sa makeup,” lahad niya sa isa pang X post.

PHOTO: Screengrab from X/@bini_gwen

Bilib na bilib naman ang maraming fans, pati na rin ang ilang kapwa-celebrities sa makeup talent ni Gwen.

“Ay paka talented talaga,” ani ng aktres na si Sharlene San Pedro.

Komento naman ng isang fan, “Grabe sobrang galing pati nung expression ng face and yung lip sync ng lines. Bravo!”

Pahayag naman ng isa pa, “Iba magpasabog ang isang Gwen Apuli! [red heart emoji]”

Samantala, ang BINI ay kinilala recently bilang “Voices of Asia” sa Billboard K Power 100, habang pinarangalan naman sila bilang “Artist of the Year” sa 2024 MYX Music Awards.

Ang girl group ay nakatakdang magkaroon ng grand BINIverse concert sa Araneta Coliseum sa November 16 to 17.

Read more...