Rendon sa pagtakbo ni Diwata: Baka akala n’ya magluluto lang siya ng pares

Rendon sa pagtakbo ni Diwata: Baka akala n'ya magluluto lang siya ng pares

TILA hindi sang-ayon ang social media personality na si Rendon Labador sa pagtakbo ng content creator na si Diwata sa darating na 2025 elections.

Nagkomento si Rendon sa isang ulat hinggil sa pagpa-file ni Diwata o Deo Balbuena sa totoong buhay ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) para sa gaganaping eleksyon next year.

Tatakbo ang viral paresan owner bilang isa sa mga nominee ng Vendors Partylist para sa 2025 midterm elections.

Sa panayam ng media kay Diwata, sinabi nito na ang Vendors Partylist ay ang grupong magtatanggol at lalaban para sa karapatan at seguridad ng lahat ng mga Filipinong nagtitinda na hindi naririnig ng pamahalaan ang mga hinaing.

“Ang advocacy talaga ng Vendors partylist para po sa lahat ng vendors, para tulungan ‘yong mga vendors, ‘yong mga nagtitinda, kasi ‘di ba, kapag vendors tayo importante talaga ‘yong puhunan.

Baka Bet Mo: Sagot ni Diwata sa vlog ni Ogie: Kung hindi gusto, huwag nang bumalik!

“Hindi kasi makakapagtinda kapag wala kang puhunan. Isa pa ‘yan sa mga adbokasiya na dapat naming gawin ‘pag binigyan kami ng pagkakataon para makaupo diyan sa puwesto,” ang paliwanag ni Diwata.

Sa isang Facebook page naman ay nagbigay ng kanyang saloobin sa naging desisyon ni Diwata na kumandidato sa May, 2025 elections.

“Baka akala ni Diwata mag luluto at mag titinda lang siya ng Pares, paki tanong nga kung alam niya yang pinapasok niya. Nag aalala ako para sa kanya,” ang post ni Rendon.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga ka-BANDERA natin sa pagtakbo ni Diwata.

“Sabagay kahit sino pwedeng sumali sa halalan pero nman sana yong meron nman konting knowledge kakatuwa Ang pilipinas !!!!!”

“Kawawang Pinas. Kahit sino sino nalang walang standard.”

“Anong batas kaya gagawin nya? Sa bagay daming voters na tanga kahit walang alam basta sikat vote.”

“Diwata batas ang ginagawa sa kongreso hindi pagiihaw o pag papares…ano ba naman iyan huwag Lang sumikat sa you tube feeling pang politica na….kawawang Bansa.”

“HesusMariaHosef. Dapat kahir Civil Service Exam man lang pumasa muna bago payagang mag file ng COC. Suskopo.”

“Si DIWATA ay hindi BOBO at HINDI TANGA… ANG BOBO at TANGA ay yung BOBOTO sa Kanya.”

Read more...