Jackie Chan hinimatay habang nagte-taping para sa 'Panda Plan'

Jackie Chan hinimatay habang nagte-taping para sa ‘Panda Plan’, anyare?

Pauline del Rosario - October 03, 2024 - 10:08 AM

Jackie Chan hinimatay habang nagte-taping para sa 'Panda Plan', anyare?

Jackie Chan

MARAMING fans ang nag-alala kay Jackie Chan matapos mag-viral sa social media ang isang behind-the-scenes video ng kanyang upcoming film na “Panda Plan.”

Paano ba naman kasi, kitang-kita sa post na hinimatay siya habang isinasagawa ang isang fight scene ng pelikula.

Mapapanood sa video ang legendary action star na naka-headlock ng kanyang co-star bago siya napuruhan at nawalan ng malay.

Bumitaw agad ang kanyang scene partner at agad na tumakbo ang crew papunta sa 70-year-old actor upang alalayan.

Nang magising na si Jackie, makikita na tila nagulat siya sa kung ano ang nangyayari sa paligid niya at hindi alam na siya ay hinimatay na pala.

Baka Bet Mo: Tom Cruise ‘buwis-buhay’ sa bagong ‘Mission Impossible’ movie, ginawa ang pinaka delikadong stunt

Dahil diyan, tinanong niya ang isang crew: “What are we doing?”

Sinabi sa kanya ng staff na nawalan siya ng malay at hindi naman makapaniwala ang martial arts legend.

Ang sabi pa ng aktor, ito ay posibleng dahil sa pinigilan niya ang kanyang paghinga habang isinasagawa ang action stunt.

Kasunod niyan ay sinigurado ni Jackie na okay siya at nagpatuloy na sila sa ginagawa nilang stunt scene.

 

@starettoday #成龍 ♬ 原聲 – ETtoday星光雲

Sa isang interview, sinabi ng iconic action star na kinailangan niyang tiyakin sa production staff na okay siya dahil ayaw niyang magkaroon ng stunt double.

“It’s not a big deal. I need to assure everyone else [that I’m fine]; otherwise, they would want me to use a stunt double,” sey niya.

Paliwanag pa ni Jackie, “If I just sit there while they use a stunt double and they just film my close-ups after he’s done, I would feel very guilty!”

Sa comment section ng viral video, maraming fans ang nag-alala para kay Jackie at may mga nagsasabi na ito na ang oras na ihinto na ng action star ang paggawa ng stunts at magkaroon nalang ng stuntmen.

“Please take care of yourself my favorite Superstar of all Time [folded hands emoji].”

“Old already, time to retire and enjoy life.”

“At 70 years old already, he should not do any more dangerous stunts and let those younger stuntmen do the job. We know he wanted to do his best to produce a good movie by doing the stunt by himself as what he had done during his younger days but when age catch up with him, he must learn to let go and let others do it.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong Abril lamang nang ipinagdiriwang ni Jackie ang kanyang ika-70th birthday at diyan niya inalala ang kanyang naging karera sa entertainment industry.

Ang sabi pa niya, “Being able to grow old is a fortunate thing.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending