Carmina matapobre at epal na ina raw: May gusto lang manira sa ‘kin

Carmina matapobre at epal na ina raw: May gusto lang manira sa 'kin

Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Cassy at Mavy Legaspi

BUMUWELTA ang Kapuso actress-TV host na si Carmina Villarroel sa lahat ng bumabatikos sa kanilang pamilya, lalo na sa kambal na anak niyang sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sunud-sunod ang mga isyung ibinato ng mga bashers at haters kay Carmina na may konek sa lovelife ng dalawang anak nila ni Zoren Legaspi.

Kung anu-ano ring masasakit at malilisyosong salita ang natanggap niya dahil sa pakikialam umano sa pakikipagrelasyon ng kanyang kambal.

Ito yung isyu sa pagitan nina Cassy at Darren Espanto at nina Mavy at Kyline Alcantara. Feeling ng mga netizens, para raw kina Darren at Kyline ang mga cryptic post ni Carmina.

Baka Bet Mo: Carmina pakialamerang nanay nga ba pagdating sa lovelife nina Mavy at Cassy?

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang piling miyembro ng entertainment media si Mina sa naganap na finale presscon ng “Abot-Kamay Na Pangarap” kahapon, October 2.


Dito nga siya natanong tungkol sa kanilang twins ni Zoren na nakatikim nga ng matinding intriga dahil sa umano’y naudlot nilang lovelife pati na rin sa mga cryptic post das niya sa social media.

Unang sinagot ng Kapuso star kung ano ang reaksyon niya sa pagtatanggol sa kanya ng mga anak laban sa bashers, partikular na si Mavy.

“Siyempre, I think it’s a normal thing to do, ‘no?Siyempre kung nanay mo or kapatid mo, anak mo, of course you would defend your loved ones, di ba?

“So, I guess, it’s just a normal feeling. And I appreciate my son. I appreciate my daughter. I appreciate my family.

“Because through thick and thin, makikita mo naman talaga yung pagmamahal namin, it’s just overflowing,” aniya.

“It’s just so sad na people, parang may misconception lang. Kasi katulad nga nu’ng sinabi ko, ang tagal ko na sa industriya, yung mga nakasabayan kong artista, or press, or yung mga fans ko ever since, you guys would know.


“Kasi, di ba? Noong nagsisimula pa lang ako, nagsisimula pa lang. Ang point ko lang, ganito lang po yun. Kung masama akong tao, kung sinasabi nila, matapobre ako, or pakialamera ako, o ganito-ganito, na dapat noon pa, di ba?

“Dapat noon pa, natsismis na yan, na masama akong tao, na ganito-ganito. But if you look back, yung mga tsismis, wala kang may kitang ganu’n.

“I’m not saying I’m perfect. Nobody’s perfect. Pero wala kang maririnig sa akin na diva ako, na matapobre ako. Ngayon na lang, or last year na lang ito,” paliwanag pa niya.

Feeling ni Carmina, talagang may mga gusto lang manira sa kanya at sa kanilang pamilya, “I don’t wanna say it, I don’t wanna think about it, but parang lumalabas lang na meron lang gusto talagang manira sa akin at sa pamilya ko.

“Let’s all face that. Kasi sino naman ang gagawa, all of a sudden? Bigla na lang may gagawang ano.

“It’s just so sad na ang social media ngayon, may nabasa lang, may napanood lang, papaniwalaan na kaagad without really identifying or without really researching or knowing the truth o yung pinagsimulan ng video,” mariin pang sabi ng aktres.

Sey pa ni Mina, nang matanong kung naaapektuhan pa ba siya sa mga ganitong intriga, “Hindi naman. It’s just parang naano lang ako. Hindi ako naapektuhan pero, parang, ‘Talaga ba?’ Nagulat ka lang, na-shock ka lang.

“‘May naniniwala ba talaga?’ Na parang, ‘Oh wow!’ Sabi ko, ‘Grabe talaga yung power ng social media.’

“Parang, of course, naano ko lang yung time namin at yung time ngayon. Na grabe na pala. Na parang ngayon talaga, papaniwalaan nila kung ano yung gusto mong paniwalaan,” sabi pa ni Mina.

Anyway, magkahalong lungkot at saya naman ang nararamdaman ni Carmina sa nalalapit na pagtatapos ng number one afternoon series ng GMA na “Abot-Kamay Na Pangarap”.

Mahigit dalawang linggo na lang tatakbo ang serye na pinagbibidahan ni Jillian Ward kaya naman request ng buong cast, huwag na huwag nang bibitiw dahil marami pang pasabog na plot twist sa kuwento.

Read more...