Robi kinampihan ni Maqui matapos tirahin dahil sa 35th b-day vlog

Robi kinampihan ni Maqui matapos tirahin dahil sa 35th b-day vlog

Robi Domingo at Maiqui Pineda

GRABE ang natanggap na pambabatikos ni Robi Domingo matapos maglabas ng saloobin tungkol sa health condition ng kanyang asawang si Maiqui Pineda.

Nabanggit kasi ng Kapamilya TV host sa kanyang 35th birthday vlog ang tungkol sa pagkaka-delay ng pagkakaroon nila ng anak ni Maiqui dahil nga sa iniinda nitong autoimmune disease.

Ayon kay Robi, totoong nalungkot siya sa nangyari dahil hindi natuloy ang plano nila ni Maiqui na magka-baby agad pagkatapos ng kanilang kasal.

Naging emosyonal pa si Robi nang banggitin na baka hindi pa talaga ito ang tamang panahon para magkaanak sila ni Maiqui.

Baka Bet Mo: Robi, Maiqui abangers sa clearance ng doktor para makabuo na ng baby

“Alam mo yung may plano ka dati, especially I’m a man with a plan all the time, talagang nakaayos iyan.


“But last year, was really a blow, and questioned me, ‘Ano ba ang nangyayari, ano bang mangyayari’ especially with Maiqui, and then nakakakasa na ako na by this year, actually by this month, sana mayroon na akong anak, di ba? And it happened, it’s hard,” aniya.

Kasunod nito, binatikos nga ng netizens ang TV host sa pagiging “insensitive” at “selfish” daw. Feeling kasi nila parang sinisisi pa raw ni Robi ang asawa sa pagka-delay ng plano nilang magka-baby.

Hindi naman pinalampas ni Maiqui ang pamba-bash sa kanyang mister at sa pamamagitan ng Instagram Story, ipinagtanggol niya si Robi.

“No issues at all. I’ve openly mentioned it here before but he has a bigger reach hehe.

“It’s both our goals, our plans and our wishes but we acknowledge the reality of things and have chosen to trust in God’s plans and timings instead.

“But we are hopeful! Just have to wait a bit and do some work for now.

“But the prayers and support mean a lot. So thank you!!” ang pahayag ni Maiqui.

May netizen namang nagtanong sa kanya kung ano ang na-feel niya sa sinabi ni Robi na, “I shouldve been a father alrdy at this point.”

Tugon ng wifey ni Robi, “To answer this question, I do not feel pressured by him or anyone. It was my plan too because I know it’s what I want. And that’s what I’m working towards.

“Maybe I should write about my pregnancy planning story too (laughing emoji). Yes or no?” aniya pa.

Matatandaang sinabi ni Maqui last month sa isang Instagram Story na hindi pa siya puwedeng magbuntis dahil sa gamot na iniinom niya para sa kanyang autoimmune disease.

“Manifesting that I’ll be off the medicines by the end of the year!! Prayers needed (praying emoji). But for now, we have this furry baby,” sabi ni Maiqui.

Read more...