Bea Binene, Louise delos Reyes nagsisisi sa paglayas sa GMA 7?

Bea Binene, Louise delos Reyes nagsisisi sa paglayas sa GMA 7?

Louise delos Reyes, Bea Binene at Boy Abunda

MAY pagsisisi bang nararamdaman sina Louise Delos Reyes at Bea Binene sa naging desisyon nila noon na iwan ang dati nilang mother network na GMA 7?

Makalipas ang ilang taon muling nakapasok sa GMA Studio ang dating Kapuso stars na sina Louise at Bea na unang sumikat sa youth oriented show na “Tween Hearts.”

Sabay na nag-guest ang dalawang aktres sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, October 1, kung saan binalikan nila ang naging pagsisimula ng kanilang showbiz career.

Matatandaang walong taon na ngayon ang nakararaan nang lisanin ni Louise ang GMA para lumipat sa ABS-CBN habang si Bea ay hindi na na-renew ang kontrata sa Kapuso network noong 2021.

Baka Bet Mo: Bea Binene pumirna sa Viva, ready na nga bang magpa-sexy?

Kaya naman natanong sila ni Tito Boy kung nagsisisi ba sila sa kanilang naging desisyon.

Unang sumagot si Bea, “Regrets no. Ako, I’m just grateful and blessed to GMA because I have been here for 18 years. They have taught me a lot, I’ve experienced so much, I met so many people who shaped who I am today.


“Siguro, syempre, tayo we always want to explore and widen our reach and opportunities ganyan but now I’m freelance, I’m handled by Viva and I’m still very grateful. It’s really nice to see everyone here kasi naging tita, ate, kuya ko na po sila,” paliwanag pa ng dalaga.

Pero sey ni Bea totoong na-miss niya ang GMA na naging tahanan at comfort zone niya sa loob ng mahabang panahon.

“Siguro not regret, it’s just that I feel like I stepped out of my comfort zone kasi when I transfered, and sometimes it’s nice na to have a sense of familiarity.

“Sometimes you tend to get overwhelmed with that very unfamiliar world outside and sometimes you just miss being here.

“I miss the company here because my friends are here and, again, this was like my comfort zone, this was like my home,” sabi pa niya.

“But I’m always very grateful and also very grateful to Viva because, you know, the opportunities are still there kahit nasaan naman po ako, kahit saan ako dalhin, lagi ko po sinasabi na I may not be managed by GMA now, but I’m very grateful for GMA,” sey pa ni Bea.

Nagpakatotoo naman si Louise sa pagsasabing kahit paano ay meron siyang nararamdamang pagsisisi, na naging lesson sa kanya para mas makilala pa ang kanyang sarili.

“Meron akong regrets pero yung mga regrets kasi na yon parang naging okay na ko do’n kasi kung hindi dahil sa mga ginawa ko before, hindi ako magiging si Louise ngayon.

“Lahat ng pagkakamali ko noon, lahat ng wins ko nu’ng time na yun, eto ‘ko. And siguro kung hindi ko yun ginawa, ‘di ko makikilala yung mga tao na kasama ko ngayon,” paliwanag ni Louise na naging ka-loveteam din ni Alden Richards sa GMA.

Pagpapatuloy pa ni Louise, “I will not have this knowledge and this heart for people now, and wala, parang grateful lang din ako with GMA.

“Kasi sila lang talaga yung nagbigay sa ‘kin ng opportunity and iba yung tibok ng puso ko kapag sinasabing GMA at kapag nakikilala ako from GMA. Iba din yung saya,” saad pa ng aktres.

Under Viva Artists Agency na rin si Louise ngayon kung saan nakagawa na rin siya ng maraming pelikula.

Read more...