Vin, Sophie nabawasan ang panahon para sa panganay na anak, anyare?

Vin, Sophie nabawasan ang oras para sa panganay na anak, anyare?

Avianna, Vin Abrenica at Sophie Albert

NABAWASAN ang panahon ng mag-asawang Vin Abrenica at Sophie Albert para sa panganay nilang si Avianna dahil sa paghahanda sa pagdating ng kanilang second baby.

Ayon kay Vin, napakarami pa niyang nadidiskubre sa kanyang sarili bilang asawa at tatay lalo na ngayong magiging dalawa na ang anak nila ni Sophie.

Kamakailan, sa pamamagitan ng isang vlog, ibinandera ng celebrity couple na madadagdagan na ang kanilang pamilya at magiging ate na si Ava. At girl daw uli ang ipinagbubuntis ni Sophie.

Sa bagong YouTube vlog ng mag-asawa, ipinakita nila sa kanilang followers ang  ginagawa nilang preparation sa pagdating ng kanilang bunso.

Baka Bet Mo: Vin emosyonal sa bagong vlog dahil kay Ava: Amuyin at panggigilan n’yo lagi ang baby n’yo!

Dito nga inamin ni Vin na nabawasan talaga ang panahon nila ni Sophie para kay Ava kaya ngayon they make sure na  bumabawi sila sa bagets.

“Lately naging sobrang busy namin ni Bianca (Sophie), the past couple of days. Ginagawa namin ‘yung cabinet, ‘yung wallpapers at nire-ready namin ‘yung gamit ng darating na bunso.


“Sa ginagawa namin nababawasan ‘yung binibigay naming oras kay Ava lately. Ngayon gumagawa kami ng little ways ni Bianca para bumawi sa kaniya. Lately, I’ve been loving this time,” pahayag ng hunk actor at hot daddy.

“Minsan nga nakakalimutan ko na baby pa pala siya, she’s just three,” aniya pa.

Ibinahagi rin ni Vin na bawat araw na dumaraan ay mas tumitindi pa ang nararamdaman niyang pagmamahal para sa kanyang pamilya.

“Ang sarap lang sa puso nu’ng mga ganitong nangyayari. May parating kami na isa tapos si Ava pamahal nang pamahal sa akin araw-araw. Si Bianca (Sophie) rin, pamahal ng pamahal ang pamilya namin.

“Hindi ko ma-explain pero ang sarap lang ng buhay namin ngayon. Ang sarap sarap ng buhay ko ngayon,” pahayag pa niya.

Tungkol naman sa paparating nilang second baby, “Hindi ko alam ano ang ini-expect, pero alam ko na ‘pag dumating na ‘yung isa, mangangailangan ‘yun ng sobrang daming oras.

“Malapit na ‘yung panahon na ‘yun. Ganoon ba talaga sa lahat ng parents na parang gusto lang namnamin kung ano mayroon kayo ngayon?

“Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na I’ll be a father of two girls,” ang sey pa ni Vin Abrenica.

Read more...