HINDI pala naniniwala ang award-winning veteran actor na si Leo Martinez sa konsepto ng “end of the world” na kinatatakutan ng maraming tao.
Aminado ang TV at movie icon na isa rin siyang makasalanang tao at marami rin siyang nagawang pagkakamali sa sarili at sa kanyang kapwa sa ilang dekada niyang pananatili sa mundo.
Sa panayam kay Leo ng veteran entertainment columnist na si Morly Alinio na mapapanood sa kanyang YouTube channel, napag-usapan nga ang ilang detalye sa kanyang personal na buhay.
Kapag natatanong si Leo kung ilan ba talaga ang kanyang mga anak, ang palagi niyang sinasagot ay, “two, one, three.”
Baka Bet Mo: Lolit kinabahan nang malaman ang dahilan ng pagpanaw ni Leo Dominguez
Ang paliwanag niya hinggil dito – dalawa ang anak niya sa kanyang unang nakarelasyon, isa sa yumaong aktres na si Cherie Gil, at tatlo naman sa partner niyang si Gina Valenciano.
Pahayag ng premyadong aktor, “Sabihin mo na agad ang totoo ang dami ko nang kasalanan. Ayoko maging ipokrito.”
Ayon kay Leo, hindi na niya ie-explain kung anu-ano ang mga nangyari sa kanyang past relationships pero aminado siya na hinding-hindi niya makakalimutan ang mga naging experience niya noon.
Tungkol naman sa kanyang mga nagawang pagkakamali at kasalanan, ipinauubaya na raw niya ang lahat ng ito sa Panginoong Diyos.
Aniya, sa mga pagkakataong nakakagawa siya ng kasalanan, inihihingi raw niya agad ito ng tawad at gagawin ang lahat para hindi na ito maulit.
“Aba! Eh, kailangan mag-sorry ka sa kasalanan mo. Hindi ako naniniwala na mapaparusahan,” sabi pa ng aktor.
At dito nga niya nabanggit ang tungkol sa sinasabing paggunaw ng mundo, “I am an optimist, hindi ako naniniwala mag-e-end of the world.
“Napakakitid naman kung Diyos iyon. Gugunawin mo sa isang (pumitik), hindi,” aniya pa.
Isa raw sa mga nagpapaligaya ngayon sa beteranong aktor ang kanyang mga apo, at sa itinatakbo raw ng buhay niya ngayon pati na sa kanyang showbiz career ay kuntento na raw siya.
“Masaya ako because I have learned, whatever state I am, to be content,” sabi niya.
Nagsasagawa rin siya ng acting workshop para sa mga baguhang artista kung saan siya mismo ang nagtuturo sa kanyang mga estudyante. Aniya, nais lamang niyang i-share ang lahat ng natutunan niya bilang artista.