Jackie Lou Blanco game pa ring magkadyowa sa edad 60: Why not!

Jackie Lou Blanco game pa ring magkadyowa sa edad 60: Why not!

Jackie Lou Blanco

HINDI raw atat na atat magkadyowa ang veteran actress na si Jackie Lou Blanco, pero kung bibigyan siya ng bagong makakasama sa buhay, hindi niya ito tatanggihan.

Bukas na bukas pa rin naman daw ang kanyang isip at puso sa usaping pag-ibig dahil naniniwala siya na mas magiging masaya at makabuluhan pa ang kanyang buhay kapag meron siyang special someone.

Pero aniya, hindi siya yung tipong maghahanap at kakaririn ang pagkakaroon ng boyfriend para lang masabing meron siyang dyowa.

“If God has somebody for me, yes, why not? Hindi ko hahanapin pero kung ibibigay naman niya sa akin, then okay lang,” sabi ni Jackie Lou sa panayan ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Baka Bet Mo: Sandara Park mas gustong maging single kesa magdyowa, may galit nga ba sa mga lalaki?

Nabanggit din ng beteranang aktres na isa sa mga ipinagdarasal niya ngayon ay ang makagawa pa ng mga makabuluhan at inspiring movies.


“I’m looking forward to making actually films. Yun ang nami-miss kong gawin,” sabi ng aktres.

Sa edad daw niya ngayong 60, feeling niya mas marami na siyang pwedeng gampanan na challenging roles tulad ng mga ginagawa ngayon ng mga Hollywood stars.

“Sometimes when people are only watching you on TV, correct me if I’m wrong, parang feeling maybe ng ibang producers ‘Oh si Ms. Jackie, maybe she doesn’t want to do films because she’s always on TV.’

“When you’re younger, you can only play certain role because you’re that age, but at my age wala na akong kakatakutan na roles because I’m that age already,” paliwanag ng aktres.

Samantala, bukod sa pagpapatuloy ng kanyang showbiz career, may isa pa siyang wish sa buhay, “I’m looking forward to having more grandchildren if my children can give me more grandchildren.”

Natanong din siya ni Tito Boy kung paano siya naimpluwensiyahan ng kanyang iconic actress-singer na nanay na si Pilita Corales, both sa kanyang personal life and showbiz career.


“Everything that I know, everything I am as an actor, kung papaano ako makipag-usap, kung papaano ako mag-desisyon, kung ano ang gagawin ko, professionalism how to treat other people, that’s all my mom.

“Her zest for life, her joy, the importance kung ano ‘yung ibinibigay sa’yo na trabaho, paano mo siya aalagaan, that’s all my mom,” pahayag pa ni Jackie Lou Blanco.

Ikinasal ang aktres sa aktor na si Ricky Davao noong 1989 pero naghiwalay din taong 2011. Biniyayaan sila ng tatlong anak.

Sa isa pa niyang interview kay Tito Boy, nabanggit ni Jackie na kino-consider niyang blessing ang pagiging nanay.

“Motherhood has been such a blessing, I mean there is an extension of you na kasi.

“There are human beings that are dependent on you and one of the most beautiful blessings in my life is to be a mother and I am blessed with good children,” aniya pa.

Read more...