MARAMING nanghihikayat sa award-winning TV host na si Boy Abunda na pasukin na rin ang mundo ng politika para mas marami pa siyang matulungan.
Actually, may mga nagsasabi pa nga na sigurado na ang panalo ni Tito Boy sakaling tumakbo siyang mayor, kongresista o senador sa darating na 2025 elections.
Nitong mga nagdaang araw, napakaraming showbiz personalities at social media influencers ang naghain na ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) para sa pagtakbo nila next year sa iba’t ibang posisyon.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake sasabak na sa mundo ng showbiz, chinika ang paghahanda sa pag-aartista
Kaya naman nang makachikahan namin si Tito Boy at ng ilang piling members ng entertainment media kamakailan lang ay natanong namin siya kung posible rin bang pasukin niya ang politics.
Dito nga niya inamin na ilang beses na raw siyang nakatanggap ng offer na tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno pero palagi niya itong tine-turn down.
Sabi ng King of Talk, “I’m the only one in the family who’s not into politics. Kung talagang…wala talaga sa bituka. No fire in the belly.
“My sister (Maria Fe Abunda), right now, is a congresswoman. She was nine-year vice mayor, nine-year mayor. Nanay (Lesing Abunda) was vice mayor, was a konsehal.
“My father (Eugenio Abunda) was a small-town politician. Hindi ko talaga siya (naisip),” sabi pa ni Tito Boy.
Sundot na tanong sa kanya ay kung tuluyan na ba niyang isinasarado ang kanyang isip at puso sa politics, “No. I never closed door, mahirap magbukas.”
Ngunit ang sabi pa ng TV host, wala man siya sa mismong political arena, matagal-tagal na rin siyang bahagi nito.
“Some of you know that I have a political consulting firm. I am familiar with politics. It has nothing to do with not knowing.
“Pero hindi talaga, e. I love showbusiness,” ang hirit pa ni Tito Boy.