Rendon: Ang pagpasok sa politika ay hindi content content lang

Rendon may paalala sa mga vloggers sasabak sa politika

NAGBIGAY paalala ang social media influencer na si Rendon Labador sa mga napapabalitang vloggers at content creators na naghain ng kanilang certificate o candidacy (COC).

Nitong October 1, Martes, sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang mensahe sa mga kapwa personalidad.

“Paalala sa mga kaibigan at kakilala kong influencer/vlogger o content creator na nag-file ng COC ngayon, Ang pagpasok sa politika ay hindi content content lang at vlog vlog lang,'” saad ni Rendon.

Pagpapatuloy pa niya, “seryosohin sana natin ang paglilingkod sa bayan.”

Baka Bet Mo: Rendon may offer sa showbiz: Kung mag-aartista ako gusto ko kontrabida


“Basta nasa tama ang inyong pinaglalaban, suportado ko kayo! Tulungan nating umunlad ang Pilipinas,” dagdag pa ni Rendon.

Umani pa nga ng samuy’t saring komento mula sa madlang pipol ang post niya.

“Tama yan! Doon tayo sa totoong may malasakit sa taong bayan at hindi ginagawang biro ang pagtakbo as public servant,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Mismo sir Rendon!”

“Gagawin ng content yan lods gaya sa senado gagawin nilang pelikula dumadami na mga artista sa senate,” sey pa ng isa.

Matatandaang sunud-sunod ngayon ang mga balita ng pagtakbo ng mga artista, vloggers, at social media personality para sa darating na 2025 elections.

Nitong Martes, October 1, naghain ng certificate of candidacy si Rosmar Tan na tatakbo sa pagkakonsehal sa 1st district ng Manila.

Read more...