Celeste Cortesi may pa-hard launch sa bagong dyowang afam

Celeste Cortesi may pa-hard launch sa bagong dyowang afam
PROUD na ibinandera ni Miss Universe Philippines 2023 Celeste Cortesi ang kanyang Spanish model na si Christian Balic.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost nito ang kanilang mga larawan na kuha sa kanilang romantic date.

“My safe space,” saad ni Celeste sa kanyang caption.

Makikit naman sa comment section ang kwelang sagot ng kanyang dyowa.

Baka Bet Mo: Celeste Cortesi sa pagsali ng transwoman sa Miss U: It’s not about the sex

“Honestly, the guy could have ironed properly the shirt,” comment ni Christian sa post ni Celeste.

Sagot naman ng actress-beauty queen, “the guy went home to change cuz he dropped a tomato on his shirt.”

Sweeet na sweet pa nga ang dalawa at may larawan pa na nag-kiss sila sa lips.

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at nagsabing super yummy ng naging upgrade ni Celeste.

“Yoko na siss. sana all,” saad ng kanyang kaibigan.

Hanap naman ng isang netizen, “Wait, what about Matthew??? What? I’m so sorry to ask, I’m just shocked.”

“HARD LAUNCH! And the upgrade???” hirit naman ng isa.

Sabi pa ng isa, “si ate ko favorite ni lord.”

Matatandaang bago ang post ni Celeste ng kanyang bagong karelasyon ay ang alam ng publiko ay so Mathew Custodio ang dyowa nito.

Read more...