Hirit ng ama ni Mela Habijan: Kung bakla ka, di pwedeng tatanga-tanga

Hirit ng ama ni Mela Habijan: Kung bakla ka, di ka pwedeng tatanga-tanga

Mela Habijan kasama ang mga magulang at Regine Velasquez

PINATUNAYAN ng transwoman TV host at beauty queen na si Mela Habijan na ang pagiging bakla ng isang tao ay dapat ipinagdiriwang at hindi ikinahihiya.

Noong bata pa si Mela, nakaranas din siyang tuksuhin at maliitin dahil sa pagiging bading pero sa halip na magalit at maghiganti, mas pinatibay niya ang loob para patunayan ang sarili.

Ibinahagi ng proud member ng LGBTQIA+ community ang kanyang coming out story sa nakaraang episode ng programang “Tao Po” at kung paano nalaman ng tatay niya ang tungkol sa tunay niyang pagkatao.

Ang unang-una raw na ginawa niya ay ang pagbutihin ang pag-aaral para siya ang maging pinakamatalino at pinakamagaling sa kanilang klase.

Baka Bet Mo: Vice: Pag bakla ka, ang hirap ipaniwala sa tao na mahal ka ng jowa mo!

“It hurts me the most because it’s like I’m caged in a label na ang unang tingin sa akin ay kasalanan na.

“Kapag tinitingnan ko naman yung sarili ko sa salamin, pwede namang mabuti akong tao di ba, pwede naman mahusay ako,” pahayag ni Mela na in fairness ay naging outstanding student nga sa iba’t ibang larangan.


Noong mag-high school na siya, dito na nga nabuking ng kanyang ama ang tunay niyang kasarian o sexual preference.

“Noong 2nd year high school kami, nagkukwentuhan kami at ina-identify namin kung sino ang cute sa bawat section.

“Tapos parang nakarinig ako nang nag-angat ng phone kasi before uso yung 3-way call, extension,” pag-alala ng host. And yes, tama ang kanyang hinala na nakikinig na pala that time sa kabilang linya ang ama.

“Inunahan ko, sabi ko basta, kung bakla ka, hindi ka pwedeng tatanga-tanga, o bobo,” ang sabi naman ng tatay ni Mela.

Ayon pa sa transwoman beauty queen, naging madali para sa kanya ang pakikipaglaban para sa sarili mula sa panlalait at diskriminasyon, dahil na rin sa pagmamahal at suporta ng pamilya at mga tunay na kaibigan.

Sa isang hiwalay na panayam, ang natatandaan daw niyang reaksyon ng tatay niya nang unang mag-come out taong 2002, “Eh, ano naman kung bakla ka? Bakit naman kita ikakahiya? Matalino ka. Pinalalaki kita nang maayos para maging mabuting tao. At higit sa lahat, anak kita!”

Sabi pa niya, “I owe him my happiness because he let me live my life in the way that I want it to be. In that time when I was eaten by fear of rejection, he gave me acceptance. His being an educator and his active involvement with the church never hindered him from embracing me wholeheartedly.”

Read more...