Rhian Ramos pangarap ding mabuntis at magka-baby, pero…

Rhian Ramos pangarap ding mabuntis at magka-baby, pero...

Rhian Ramos at Sam Verzosa

WISH din ng Kapuso actress na si Rhian Ramos na mabuntis at magkaroon ng baby pero feeling niya matatagalan pa bago ito mangyari.

Sa ngayon ay wala pa sa top priorities ni Rhian ang maging mommy dahil marami pa raw siyang gustong gawin at ma-achieve sa kanyang personal na buhay at showbiz career.

“I’m so grateful to all of my friends kasi pinapa-experience pa nila sa akin ‘yung pagmamahal ng babies nila. I’m able to hang out with baby ni Max (Eigenmann), baby ni Bianca (King), baby ni Sandyy (Riccio).

“I love being a tita. Siguro, one day. Pero as of now, I’m happy with everyone else’s baby,” paliwanag ng partner ng TV host at Tutok To Win Representative Sam Verzosa.

Happy din daw si Rhian ngayon sa set-up nila ng kanyang BFF na si Michelle Dee na kasama pa rin niya ngayong naninirahan sa isang bahay.

Baka Bet Mo: Michelle pinakalma si Rhian dahil kay Miss Thailand: ‘Sa ‘yo pa rin umuuwi’

Kaya naman natanong din ang Kapuso star kung may plano ba sila ni Sam na mag-live in lalo pa’t matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.


“I live with Michelle ‘di ba, and we have our own system na eh. It’s just so convenient that way,” ang sabi ni Rhian sa naganap na auction para sa mga luxury cars ni Sam kung saan ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa pagpapagawa ng dialysis center sa Maynila.

Reaksyon naman ni SV sa pahayag ni Rhian hinggil sa live-in set-up, “Maganda nga kasi mas lalo naming nami-miss ang isa’t isa.”

Paano mga ba ang dynamics nila kapag magkasama sa bahay, “Isa ‘yun (pagluluto) sa favorite activities namin kasi ‘yun ang puwede naming gawin na hindi na kami aalis.

“Simple lang ang mga gusto niya. Gusto niya ‘yung mga classic dishes na sinigang at adobo,” sabi pa ni SV na tatakbong mayor sa Maynila sa darating na 2025 elections.

Sabi naman ni Rhian, “Alam n’yo, kapag kaming dalawa lang, ibang tao pa rin napag-uusapan namin. Not in a chismis way pero kung paano siya makakatulong sa ibang tao.

“Siya ‘yung mas nagpapaalala sa akin na kailangan kong mag-workout, kumain, uminom ng tubig, vitamins,” sey pa ng aktres.

Tungkol naman sa mga anak ni Sam, palagi raw sinasabi ni Rhian sa kanyang boyfriend na mag-spend pa ng mas mahabang oras kasama ang mga bata.

“I think it’s also very important kasi when I was a child I really valued my one-on-one time with my father. I think that’s very important for them to have their own time together,” saad ni Rhian.

Sabi naman ni SV, “Natuturuan niya ako kung paano ko pa mapapaganda ang relasyon ko sa mga anak ko.”

Sinuportahan ni Rhian last Sunday ang fundraising event ni Sam na “Driven to Heal” na ginanap sa Frontrow Headquarters da Quezon City kung saan nga nangyari ang auction sa mga koleksyon ng mamahaling sasakyan ng public servant.

Ang inaasahang P200 million na kikitain dito ay gagamitin sa pagpapatayo ng dialysis center sa Sampaloc, Manila kung saan lumaki si Sam Verzosa.

Read more...