Talentadong singer-actress hindi pa rin maabot ang rurok ng tagumpay

Talentadong singer-actress hindi pa rin maabot ang rurok ng tagumpay

Guess, guess who!?

NAGTATAKA ang ilang miyembro ng entertainment media tungkol sa singer-actress na ilang taon na sa kanyang karera pero hindi pa rin nararating ang rurok ng tagumpay.

“Bakit nga ba ganu’n ang lola mo?” tanong ng kaibigan naming editor sa kanyang kapwa editor. “Halos lahat ay nasa kanya na, umaarte, kumakanta, sumasayaw, maganda rin naman pero bakit walang nangyayari?”

Matagal na raw pala itong pinagtsitsikahan ng mga kasama namin sa panulat na sa tuwing makikita nila ang singer-actress ay bakit tila ayaw siyang pasikatin ng universe.

Sagot ng editor na tinanungan kung anong nangyayari sa singer-actress, “E, ayaw sa kanya ng tao kahit magaling at maayos naman.”

Baka Bet Mo: SB19 inialay ang bagong achievement sa A’TINs: Sila talaga ang dahilan ng aming tagumpay!

Sabay tanong sa amin kung nakuha na namin sa show ang singer-actress na ang sagot namin ay, “Lagi naming sina-suggest pero ayaw sa kanya, eh. Mas gusto si ____ (sikat na singer).”

Sagot ng editor, “Kasi performer talaga si ____ (sikat na singer). Pero kung tutuusin, performer din naman itong si ___ (singer-actress) pero bakit wala pa rin?

Hirit namin, “Mas nakaka-sossy daw kasi si ____ (sikat na singer) kumpara kay ___ (singer-actress) na masang-masa ang dating.”

Anyway, tila hindi naman apektado ang sikat na singer kung ano na ang narating ng karera niya dahil kuntento na siya sa buhay at hindi rin naman siya inoobliga ng mga magulang dahil may kaya ang mga ito.

Read more...