Richard, Barbie lantaran na raw ang relasyon, nag-quick lunch sa Rome

Richard, Barbie lantaran na ang relasyon, nag-quick lunch sa Rome, Italy

Barbie Imperial at Richard Gutierrez

MUKHANG hindi na itinatago nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa publiko kung anuman ang espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa.

Ito’y matapos kumalat ang kanilang litrato sa social media kung saan magkasama silang naglalamiyerda sa Rome, Italy.

Balitang sumama si Barbie kay Richard sa Italy kung saan kinukunan ngayon ang pinakabagong teleserye ng aktor sa ABS-CBN, ang “Incognito” with Daniel Padilla and Ian Veneracion.

Baka Bet Mo: Promise ni Neil ngayong b-day ni Angel: I’ll be beside you all the way, I love you!

Spotted ang rumored couple sa ilang lugar sa Rome, partikular na sa isang Filipino restaurant doon kung saan sila kumain ng lunch.


In fairness, pinaunlakan nina Richard at Barbie ang ilang staff sa naturang restaurant na nag-request ng picture kasama sila.

Isang litrato ng dalawang Kapamilya stars ang ipinost ng Manila Restaurant sa kanilang Facebook page na may caption na, “Thank you Mr Richard Gutierrez and Ms Barbie Imperial for your visit and a quick lunch here in Manila Restaurant.”

Until now ay wala pa ring inilalabas na pahayag sina Richard at Barbie kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon.

Ngunit ang feeling ng kanilang mga tagasuporta, matagal na silang may relasyon. Isa raw sa mga patunay na magdyowa na ang dalawa ay nang maispatan si Richard kasama ang ina nitong si Annabelle Rama sa 26th birthday party ni Barbie.


Nauna rito, spotted din si Barbie sa burol ng sister-in-law ni Richard na si Alexa Gutierrez, ang yumaong asawa ng kapatid ni Richard na si Elvis Gutierrez.

January, 2024 pa nagsimulang matsismis na may relasyon sina Barbie at Richard matapos makitang magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City.

May mga nakakita rin sa kanila sa South Korea partikular na sa dakong Myeong-dong area, na kilala bilang isang shopping destination doon.

Sinundan pa ito ng Instagram Story ni Barbie habang nasa gym kung saan makikita sa kanyang mirror selfie ang lalaking nasa likuran niya na pinaniniwalaang si Richard.

Matagal nang hiwalay si Richard sa kanyang asawang si Sarah Lahbati at mukhang maayos naman ang kanilang co-parenting agreement para sa dalawa nilang anak.

Read more...