KALAT na kalat na ang tsismis na nalulugi na umano ang social media personality at sikat na negosyanteng si Diwata.
May mga netizens at bashers kasi ang nagpo-post sa socmed na hindi na raw masyadong dinudumog ng tao ang pag-aaring paresan ni Diwata dahil parang naumay na raw ang kanyang mga customers.
Ngunit parang fake news naman ito dahil mismong si Diwata na ang nagsabi na okay na okay pa rin ang takbo ng kanyang mga negosyo. Yes, “mga” negosyo dahil nadagdagan na nga ng isa pang branch ang kanyang pares overload.
Sa katunayan, sinabi ng internet sensation at matagumpay na negosyante na may bago silang paandar ngayon para sa kanilang mga loyal customers, ang unlimited breakfast (BF) buffet.
Napanood namin si Diwata sa GMA morning show na “Unang Hirit” at dito nga niya ibinandera ang mga pagkain na maaaring lafangin ng publiko sa kanilang breakfast buffet na nagkakahalaga lamang ng P169.
Ayon kay Diwata, meron silang adobong manok, hotdog, egg, longganisa (may balat at skinless), okra at talong with kamatis at bagoong, “spagiti (spaghetti) overload,” sinangag, plain rice, champorado, tuyo, lugaw, tokwa’t baboy at ang kanyang signature Pares Overload.
But wait, there’s more, aside from the lafang, unlimited din ang drinks sa kanilang menu.
Kasunod nito, super thankful din si Diwata sa lahat ng kanilang parokyano na patuloy na kumakain sa original Diwata Pares Overload. Patunay lamang na hindi totoo ang pinakakalat ng haters ni Diwata na luging-lugi na raw ang kanyang business.
Narito naman ang mga reaksiyon netizens sa guesting ni Diwata sa “Unang Hirit.”
“169 pesos unli. galing ni diwata ano. apakaliit na lang ng tubo jan o halos baka break even. Diwata laban lang. bumibilib na ako sau. basta iwasan mo na lang maging masungit para all goods kna.”
“I-bash niyo daw ng i-bash si Diwata kasi nakakatulong daw sa kanya yan at nagiging inspirasyon niya daw kayo para magsumikap pa sa buhay sa nag post nito da more comments and like the more earnings to make.”
“Pag nagkomento ng real talk, basher agad, ampalaya agad, inggit pikit agad… halatang hindi kayang makipagdiskusyon ng may kapupulutan ng improvements ang iba dito.”
“Why people hate him? Hes coping. Hes trying to survive. Hes doing a clean living. Ireserve dapat ang galit sa corrupt officials na sobrang dali at ganda ng buhay dahil sa pagnanakaw, wag sa taong gusyo lang kumawala sa kahirapan. This man is getting his success from literal meaning na ‘dugo’t pawis.'”
“Sobrang ginalingan at sinipagan ni Diwata biruin mo di nakapag tapos ng pag-aaral yan pero grabe di matatawaran ang diskarte sa buhay, habang itong mga kababayan natin dito sa comment section ay nabuhay lang para mang lait at mang bash sa kapwa!!!”
“Ang daming natutulungan ni diwata dahil marami syang empleyado. Maliit lang kita nya dinadaan nya lang sa dami.”
“Ang galing ni Diwata hehehe, kudos.”
“Feeling ko hindi naman totoo yung nalulugi na raw ang paresan niya. Siguro nagdagdag lang siya now dahil mahilig talagang kumain ang mga Pinoy.”
“Pag nagkomento ng real talk, basher agad, ampalaya agad, inggit pikit agad… halatang hindi kayang makipagdiskusyon ng may kapupulutan ng improvements ang iba dito.”