MINDORO, Philippines – Mahigit 5,000 lider ang nagtipon para sa mahalagang proclamation rally kung saan inendorso bilang opisyal na partylist ng lalawigan ng Mindoro ang FPJ Panday Bayanihan.
Ginanap ang proklamasyon sa pakikipagtulungan ng Galing at Serbisyo Para sa Mindoroa (GSM), ang regional party na pinangunahan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor, na naghudyat sa pikamahalagang pagkakataon ng isang pangyayaring pulitikal sa lokal bago sumapit ang halalan sa 2025.
Baka Bet Mo: Lovi matagal nang pangarap maging action star: I love to do Ang Panday as a woman!
Personal na isinigaw ni Governor Dolor, isang matibay na tagasupora ng misyon ng FPJ Bayanihan na paangatin ang kalagayan ng mahihirap na komunidad, ang buong pag-endorso sa partylist.
Sa kanyang speech, binanggit ni Gov Dolor ang koneksiyon ng Mindoro sa pamilya Poe sa pagsasabing: “Ang lolo niya, ipinanalo natin sa Oriental Mindoro, 60K ang lamang ni FPJ sa OrMin noong 2004.”
Kapwa nanalo si FPJ at Senador Grace Poe sa Mindoro noong 2004 at 2013 ayon sa pagkakasunod-sunod.
Dahil dito, mahigpit na ipinakiusap ni Governor Dolor na suportahan ang FPJ Panday Bayanihan sa harap ng mahigit 5,000 lider ng GSM sa pagsasabing: “Kung boboto kayo sa akin, samahan niyo na ng FPJ Panday Bayanihan.”
Sa naganap na pagtitipon, sinabi ni Brian Llamanzares, chairman ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, na opisyal nitong eneendorso si Hiyas Dolor, kabiyak ng gobernador, bilang isa sa nominado ng partylist.
Sa pag-endorso ni Llamanzares kay Dolor, mas lalong tumibay ang alyansa sa pagitan ng liderto ng lalawigan at FPJ Panday Bayanihan.
“Parating na po ang bagong umaga na ipinangako ni FPJ noon. Sa tulong ni Gov Bonz Dolor, GSM, FPJ Panday Bayanihan at ni Senator Grace Poe magagawa natin ito. Bilang chairman ng FPJ Panday Bayanihan, isa lang ang hinihingi ko sa inyo! Tulungan nyo si Ate Hiyas Dolor, ang susunod na congresswoman ng FPJ Panday Bayanihan!” ayon kay Brian Poe Llamanzares.
Pinaahalagahan ng pagkakapatiran sa pagitan ng FPJ Panday Bayanihan at Galing at Serbisyo Para sa Mindoro, ang nagkakaisang pananaw na palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng responsableng pamamahala at katarungang panlipunan.
Humatak ang proklamasyon ng mga kinatawan mula sa ilang basehang sektor, na nagpatibay sa malawak na suporta sa likod ng adbokasiya ng FPJ Panday Bayanihan’s advocacy.
Kasabay nito, hiniling din ni Governor Bonz Dolor sa provincial board na pagtibayin ang isang resolusyon na pormal nang ampunin si Poe-Llamanzares bilang anak ng Mindoro.
“Bumoboto tayo sa partylist, hindi natin kilala, hindi nararamdaman ang tulong. Ngayon nandito ang isang tao na naghahain ng kanyang puso at serbisyo para maging representante. Tulungan natin si FPJ…bakit?
“Dahil ang chairman at unang nominee ay gagawin nating adopted son ng Oriental Mindoro. Ako’y nakikiusap sa ating Sangguniang Panlalawigan puwede bang maka-request na mag-file tayo ng resolusyon formally adopting Brian Poe as adopted son of Oriental Mindoro,” ayon kay Gov. Dolor.
Dulot ng masigasig na endorsement ng Mindoro, patuloy na umani ang FPJ Panday Bayanihan ng matibay na buwelo, umaayon sa agenda ng lokal na liderato na pagsilbihan ang lalawigan at pagtagumpayan ang pangangailangan ng mamamayan nito.
Naunang nagsagawa ang FPJ Panday Bayanihan noong nakaraang linggo ng dalawang araw na sectoral consultation sa ilang transport leader urban poor, youth leaders, farmers, fisherfolk, the informal sector, at front-liners upang makakuha ng input hinggil sa isyung katutubo o grassroots issue at lumikha nang maayos na platapormang politikal.