EXTENDED ang pagsusumite ng finished film para sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) simula ngayong Disyembre 25 at tatagal hanggang Enero 7, 2025.
Ito ang nabasa naming anunsyo sa MMFF Official Facebook account kahapon.
“Deadline Alert! The finished film submission deadline has been extended to Monday, October 7, 2024, at 5:00 PM. Don’t miss out! #MMFF50, #sinesiglasasingkwenta.”
Matatandaang sa nakaraang Mural launching para sa MMFF50 at Sine Singla sa Singkwenta noong Setyembre 19, ay inanunsyo ni MMDA at MMFF Chairman Atty. Don Artes na ang submission ng finished film ay hanggang Setyembre 30 lang at iaanunsyo ito sa Oktubre 15.
Baka Bet Mo: Charlene Gonzalez ibinandera ang tagumpay sa Boston Marathon: I ran with an injury
Marahil ay maraming humiling kay Chairman Artes na i-extend ang submission para sa natitirang 5 finished films na bubuo sa 10 films na mapapanood sa MMFF50.
Marami kaming nabasang komento ng netizens na gusto nilang mapanood ang “Uninvited” nina Ms. Vilma Santos-Recto, Nadine Lustre at Aga Muhlach mula sa direksyon ni Dan Villegas mula sa Project 8 Projects at Mentorque Productions.
Hindi rin naman nagpahuli ang supporters ni Judy Ann Santos sa pelikulang “Espantaho” kasama sina Lorna Tolentino at JC Santos na si Chito Roño ang direktor produced ng Quantum Films in cooperation with Cineko Productions and Purple Bunny Productions.
Sa pagkakaalam namin ay gumigiling pa rin ang kamera para sa pelikulang “Untold” ni Jodi Sta. Maria produced ng Regal Films directed by Derick Cabrido.
Ang lalaki ng mga artistang nabanggit para sa tatlong pelikula na sa aming palagay ay sadya itong hihintayin ng mga manonood dahil pare-pareho silang suportado ng kanilang fans at higit sa lahat, katatakutan ang tema.
Alam naman ng lahat na kabilang ang horror-thriller films sa kumikita kapag MMFF bukod sa romantic comedy, drama at action-fantasy.