Food server ‘sinibak’ sa trabaho dahil nagpakain ng stray dog
MARAMING netizens ang nanggigil sa isang restaurant matapos tanggalan ng trabaho ang isang food server na nagmamalasakit lamang sa isang stray dog.
Ang mismong nagbalita ng nakakalungkot na pangyayari ay ang empleyado mismo na si Vhal Sardia.
Sa pamamagitan ng TikTok, ibinandera ng food server ang isang video na lumabas siya saglit upang pakainin ang aso na nakatambay sa labas ng pinto ng resto.
At kalakip niyan ang mahabang caption na ikinukwento kung paano siya tinanggal sa trabaho makalipas ang limang taong pagseserbisyo rito.
Ayon sa kanya, ang kanyang supervisor ang nagsumbong sa kanilang opisina matapos makita ang video na nagpapakain siya ng stray dog sa labas ng kanilang restaurant.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Delivery rider rescuer, ‘bayani’ ng mga aso’t pusa sa daan
“Hindi ko po kase napigilan na sila ay bigyan ng pagkain kaya’t madalas ang ginagawa ko ang pagpapakain sa kanila off duty or breaktime ko,” wika ni Vhal.
Patuloy niya, “Masakit man sa akin na mawala ako sa aking trabaho bilang may malasakit lang sa mga aso at pusa pero ipagpapatuloy ko pa din ang aking nais na sila ay tulungan sa simpleng paraan: pakainin, arugain, at pasayahin ang mga kawawang aso. ‘Yun nga lang pagbalik niyo sa store namin ako’y wala na rin.”
Mensahe pa niya sa mga pinapakain niyang stray animals sa labas ng resto, “Wala na rin magmamalasakit at magmamahal sa inyo, pero sigurado pag nakita ko kayo mga mahal kong aso at pusa, ang pagmamahal ko sa inyo ay hindi mawawala at hindi magbabago.”
At kahit nawalan na siya ng trabaho, lubos pa rin ang pasasalamat ni Vhal sa dating employer dahil marami siyang natulungan na stray animals doon.
Sey niya, “Thank you sa store na pinasukan ko. Tuloy pa din po ang Goal ko para sa mga Stray Dogs and Cats.”
Aniya pa, “Now signing off Ian Vhal A. Sardia at Food Server pero tuloy pa din po ang pagiging Dog and Cat Lover.”
@baldawgs Thank you sa Store na pinasukan ko tuloy pa din po ang Goal ko para sa mga Stray Dogs and Cats. Maraming salamat sa limang taon na aking pagtatrabaho bilang isang Food Server. #fyp #doglover #straydogs ♬ original sound – ♡ T i N a ♡
Sa comment section, marami ang nainis at nagalit dahil sa nangyari kay Vhal.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Let us boycott this Restaurant for being cruel to their employee and to stray animals.”
“Ano masama sa pagiging mabuti sa animals? [crying emojis]”
“God has plan for you, just keep feeding and God will not leave you jobless and empty. A great opportunity is waving at you. God bless you [folded hands emoji].”
“Hindi naman ninakaw ‘yung pinapakain mo sir. Walang masama sa ginawa mo. Ang masama ‘yung wala silang pakialam sa mga nasa paligid nila [dahil] importante lang ang kita. Good job sir [thumbs up emoji]”
“Salute to you sir. The Lord will make a way to open a new door of better opportunity for you [folded hands emoji]”
“Kuya, always remember that you just did the right thing. You have a good heart and a pure intention. God will bless and guide you. Padayon, Kuya! [holding back tears, heart hands emojis]”
As of this writing, wala pa kaming nakikitang pahayag mula sa naturang restaurant na sumibak kay Vhal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.