‘Julian’ tatama sa Batanes, Babuyan Islands; Signal No. 3 itinaas na

‘Julian’ tatama sa Batanes, Babuyan Islands; Signal No. 3 itinaas na

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

PATULOY na lumalakas ang Bagyong Julian, ayon sa 11 a.m. weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, September 29.

Huli itong namataan 290 kilometers East Northeast of Aparri, Cagayan o 300 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan.

Ang taglay nitong lakas na hangin ay 110 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Mabagal na kumikilos ang bagyo at binabadya nito ang kanluran pahilagang-kanluran.

Ayon sa forecast track ng weather bureau, inaasahang lalapit sa lupa o magla-landfall ang Bagyong Julian sa Batanes o kaya sa Babuyan Islands bukas, September 30.

Baka Bet Mo: Geraldine Jennings napalaban ng halikan kay Jameson sa ‘Isla Babuyan’

Magpapatuloy rin daw itong mag-intensify sa bansa hanggang sa maging isang Typhoon mamayang gabi.

Dahil diyan, itinaas na ang Tropical Wind Signal No. 3 sa northeast portion ng Babuyan Islands.

Nasa Signal No. 2 naman ang Batanes, northeastern portion ng Mainland Cagayan (Santa Ana) at ang nalalabing bahagi ng Babuyan Islands (Ang mga isla ng Camiguin, Calayan, Dalupiri, at Fuga).

Nananatili naman sa Signal No. 1 ang natitirang bahagi ng Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias) at northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran).

Dahil sa bagyo, asahan ang stormy weather sa Batanes at Babuyan Islands.

Uulan na may pagbugso naman sa Mainland Cagayan, Isabela, Apayao, at Ilocos Norte. 

May kalat-kalat na pag-ulan sa Central Luzon, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, sa nalalabing bahagi ng Ilocos region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.

Ang “trough” o buntot ng bagyo ay magbibigay ng isolated rainshowers sa Metro Manila at sa natitirang lugar ng Luzon.

Read more...