Kathryn, Alden kumasa sa ‘Maybe This Time’ challenge, fans na-shookt

Kathryn, Alden kumasa sa ‘Maybe This Time’ challenge, fans na-shookt

PHOTO: Instagram/@aldenrichardsph

MARAMING fans ang kinilig and at the same time ay nagulat sa latest TikTok upload ng aktor na si Alden Richards.

Paano ba naman kasi, napasayaw niya ang on-screen partner na si Kathryn Bernardo at sabay nilang ikinasa ang nauusong “Maybe This Time” dance challenge.

Ang nakakatuwang video ay ibinandera ni Alden noong Huwebes, September 26.

“Maybe this time, we’ll make that future happen,” caption ng aktor, kalakip ang hashtag ng upcoming movie nila ni Kathryn na “Hello, Love, Again.”

Baka Bet Mo: Marian Rivera umariba ulit sa TikTok, naglabas ng ‘clothes transformation’, kumasa sa bagong dance challenge

As of this writing, ang video ay umaani na ng 5.3 million views at mahigit kalahating milyong likes.

Sa comment section, tila na-shookt pa ang marami dahil ngayon lang daw nilang nakitang kumasa sa TikTok dance challenge ang aktres at bigay na bigay pa raw ito.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Classy Kathryn nag-TikTok ng ‘Maybe This Time [crying emojis] can’t believeeee”

“This side of Kathryn is new to me, I feel like she’s hiding it for so many years [crying face, heart emojis]”

“‘Di pa rin ako makapaniwala napasayaw niya si Kathryn ng ‘Maybe This Time’ trend [hands up, crying emojis]”

“Goshhhhh ang cutieee Kathreng nakakamiss ka ah!!!”

“The other side of Kathryn [smiling face with heart eyes emoji] grabe ngayon ko lang siya nakita ng ganito kakulit huhuhuhu we love you kath [heart with sparkle emojis].”

Ang “Hello, Love, Again” ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa November 13.

Muling gagampanan diyan ni Kathryn ang karakter ni “Joy,” habang si Alden ay bilang “Ethan” na nag-umpisa sa 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye.”

Samantala, ilan pang celebrities na kumasa sa nasabing dance challenge ay sina Ysabel Ortega, Dennis Trillo, Stell Ajero ng SB19, Sheena Catacutan ng BINI, pati na rin ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Read more...