Sikat na aktres nagkukunwaring pa-sweet; ‘Pamilya Sagrado’ may matinding pasabog

Sikat na aktres kunwaring pa-sweet lang; 'Pamilya Sagrado' may matinding pasabog

blind item, Piolo Pascual

“MAY palaman sa puwet, palaman sa dibdib kaya ayaw ng may ibang tao kapag nagbibihis,” ito ang kwento ng staff ng produksyon na laging nasa set ng taping ng sikat na aktres.

Si aktres ay totoo namang sikat at may magandang hugis ng katawan bagay na maraming humahanga sa kanya, pero pangako niya sa sarili ay unahin muna ang career bago ang lovelife.

Isa sa prime artist ng network ang sikat na aktres kaya naman kaliwa’t kanan ang projects nito na hindi pa tapos umere ang serye ay may under negotiations na agad.

Isa pang hindi alam ng publiko tungkol sa sikat na aktres, “Need niya ngumiti lagi sa mga kausap, ka-work pero kapag sila na lang ng assistant niya, sinisigawan na niya na dapat daw kapag hindi niya gusto ang pinagagamit ng produksyon, sasaluhin na siya para hindi ma-nega sa produksyon, in other words, kaplastikan ‘yung pakikiharap niya sa ibang tao,” kwento ng staff.

Baka Bet Mo: Coco Martin, Piolo Pascual magsasama sa iisang proyekto, fans excited na

“’Di ba, ang daming fans, kung alam lang nila ugali ng idolo nila baka maloka sila. Pa-sweet kasi lola mo,” sabi pa ng staff.

***

Kaliwa’t kanan na pasabog ang tinutukan ng mga manonood sa mas umiigting na mga rebelasyon sa kontrobersyal na buhay ni Rafael (Piolo Pascual) sa ABS-CBN teleserye na “Pamilya Sagrado” ngayong linggo.

Nagkaroon ng major plot twist sa serye matapos bumitiw bilang presidente si Rafael at inaming inosente si Moises (Kyle Echarri) sa mga krimeng binibintang sa kanya.

Pero hindi pa pala makakamit ni Rafael ang tinatamasan niyang mapayapang buhay dahil nalaman niyang bago patayin si Cristine (Bela Padilla), ang kabit niya noon na labis niyang minahal ay nanganak ito ilang buwan bago ang krimen.

Dahil sa kaso ni Cristine, maaaring maging daan ito sa pagdiskubre ni Rafael sa katotohanang magbabago ng kanyang buhay – na si Moises pala ang anak niya kay Cristine.

Magdudulot naman ito ng mas malaking sigalot sa pamilya Sagrado dahil titindi ang selos ni Justin (Grae Fernandez) kay Moises at magiging marahas si Jaime (Tirso Cruz III) laban kay Rafael para mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa politika.

Paano tatanggapin nina Rafael at Moises ang tunay nilang ugnayan?

Abangan ang mga makapigil-hiningang rebelasyon sa “Pamilya Sagrado” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.

Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Pamilya Sagrado.”

Masasaksihan din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Tunghayan din ang mas maikling mga episode tampok ang pinakamaiinit na eksena sa “Pamilya Sagrado Fast Cuts” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Read more...