Music icon na si Coritha pumanaw na

Music icon na si Coritha pumanaw na

TULUYAN nang namaalam ang music icon na si Coritha ngayong araw, September 27, dakong 7:50 ng gabi.

Ang malungkot na balita ay ibinahagi ni Julius Babao sa kanyang YouTube vlog kung saan nakapanayam niya mismo ang partner nitong si Chito Santos.

“Ilang araw namin siyang binabantayan hanggang saa humina na siya nang humina. E ayoko namang patagalin pa dahil nga lalo lang siyang mahihirapan,” pagbabahagi ng asawa ni Coritha.

Baka Bet Mo: Mga miyembro ng OPM may benefit show para makatulong kay Coritha

Dagdag pa niya, nagdesisyon na siyang kung saan na lang ang abutin ng asawa ay hahayaan na nila ito para hindi na ito mahirapan.

“Hindi ko na kaya e. Hindi ko na kayang tiisin,” pagpapatuloy pa ng asawa ni Coritha.

Nakuha na raw ang mga labi ng music icon ng mga opisyal ng barangay at ang plano ng kanyang pamilya ay ipa-cremate na lang ito dahil ayaw ni Chito na makita pa ng ibang tao ang naging itsura ng asawa.

“Sabi namin magpahinga muna ang kuya ko at kailangan niya ring magpa-check up… Next week tinanong ko siya kung papayag siya kahit one day, one night viewing lang. Dito na lang sa Tagaytay,” lahad ng kapatid ni Chito.

Read more...