Kyline, Sarah naka-unfollow na sa isa’t-isa sa IG, anyare kaya?

Kyline, Sarah naka-unfollow na sa isa’t-isa sa IG, anyare kaya?

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati

ANO kaya ang nangyari sa dalawang aktres na sina Kyline Alcantara at Sarah Lahbati?

Marami kasi ang nakapansin na hindi na sila naka-unfollow sa isa’t-isa sa Instagram.

Ang tanong tuloy ng netizens, kung friends over na ba ang dalawa gayong very close sila sa isa’t-isa at parang “sisters” ang turingan nila.

PHOTO: Screengrab from Instagram

Hinalungkat namin ang IG account ni Kyline at nandoon pa ang ilang posts niya kasama si Sarah.

Ang huli ay noong Mayo lamang na makikitang sabay pa silang sumisid sa dagat.

Baka Bet Mo: Kyline Alcantara umaming pareho silang na-bully ni Belle Mariano noong nagsisimula pa lang sa showbiz

Ang caption diyan ng young actress, grateful that I found a sister like you, @sarahlahbati [blue heart emoji].”

Ang reply sa kanya ng celebrity mom, “Ily (I love you) forever, lil sis [white heart emoji].”

May nakita rin kaming post na tila nag-girls night out ang dalawa at ang tanging caption diyan ni Kyline ay isang blushing face emoji.

Bukas ang BANDERA sa pahayag ng dalawang aktres hinggil sa isyu na ito.

Read more...