Cayetano, Zubiri nagsigawan, muntikang magsuntukan sa Senado, anyare?

Cayetano, Zubiri nagsigawan, muntikang magsuntukan sa Senado, anyare?

Senators Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri

NAGKASAGUTAN at nagkapikunan ang dalawang senador na sina Alan Peter Cayetano at Juan Miguel Zubiri.

Mapapanood sa viral video na nagsigawan, nagturuan at tila halos naghamunan ng suntukan ang dalawa habang suspendido ang Senate session.

Ang alitan ay tungkol sa isang resolusyon na naglalayong pigilan ang disenfranchisement ng mga botante sa sampung barangay na kung saan ito ay iniutos ng Supreme Court na ilipat mula sa jurisdiction ng Makati City sa Taguig City, ang political bailiwick ng mga Cayetano.

“Don’t give me sh*t din, pare. ‘Pag lugar mo, ilang beses kang nakiusap sa’kin eh,” sey ni Cayetano kay Zubiri.

Sambit din niya, “’Wag mo akong sigawan. Ilang beses ka ring nakiusap ah, hanggang dun ah. Nag-abroad ka pa eh.”

Baka Bet Mo: Pope Francis nakiusap kay Migz Zubiri: ‘Please protect the family’

Makikita rin sa video na nagkakalapit ang dalawa, pero namagitan sa gitna si Senador JV Ejercito.

“Anong gusto mo? Anong gusto mo? O, put*ng*na, anong gusto mo?” patuloy ni Cayetano.

Tila parang magsusuntukan na ang dalawa kaya nagmadaling pumigil si Senate Sergeant-at-Arms Roberto Ancan, pati na rin ang kapatid ni Alan Peter na si Senador Pia.

“Put*ng*na. Sindak ka nang sindak dito eh. Bakit, sisigawan mo ko? Anong pakialam mo? Wala ka namang pakialam sa boboto dun eh. Interes mo lang iniisip mo e,” wika ni Cayetano.

Sa resolusyon, binanggit ni Cayetano ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara na ang sampung barangay ng Embo: Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Rizal, Post Proper Northside, at Post Proper Southside — ay kabilang sa teritoryo ng Lungsod ng Taguig “by legal right and historic title.”

Kasunod nito, idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga residente ng 10 barangay ng Embo ay maaaring bumoto para sa mga pambansang posisyon at lokal na posisyon tulad ng alkalde, bise alkalde, at mga miyembro ng konseho ng lungsod, pero “not for a congressional representative in the 2025 midterm elections in the absence of a congressional act designating under which congressional districts the Embo barangays belong.”

Ngunit sa session hall, kinuwestyon ni Zubiri kung bakit ang panukala ay tinatalakay sa Senado gayong wala naman ito sa daily agenda.

“First of all, I don’t know anything about this bill. It just came out of the air. This is a concurrent Senate resolution, this is not a simple resolution,” saad ni Zubiri.

Dagdag pa niya, “I know it’s a local issue, and it’s important to you guys, and I don’t want to disenfranchise anyone. Ang akin lang sana, explain sana sa amin ano itong pag-uusapan natin. ‘Yun lang.”

Sa huli, humingi ng tawad sa isa’t-isa ang dalawang senador na nagkainitan.

Bukod diyan, pinagtibay ng Senado ang resolusyon ni Cayetano.

Read more...