AJ Raval tigil na talaga sa paghuhubad, sey ni Aljur: I’m proud of her!

AJ Raval tigil na talaga sa paghuhubad, sey ni Aljur: I'm proud of her!

Aljur Abrenica at AJ Raval

AYAW na talagang maghubad at gumawa ng mga sex scenes sa pelikula ang original Vivamax Queen na si AJ Raval.

Iyan ang pinagdiinan ng aktres nang makachikahan siya ng BANDERA at ilan pang piling miyembro ng entertainment media kahapon para sa kanyang latest acting project.

Ito ay ang advocacy series na “WPS” o “West Philippine Sea” kung saan makakasama rin niya ang kanyang partner na si Aljur Abrenica at tatay niyang si Jeric Raval.

Sa zoom mediacon ng “WPS”, sinabi ni AJ tapos na ang kanyang era sa paghuhubad sa harap ng camera at nais naman niyang gumawa ng mga wholesome at makabuluhang mga proyketo.

Aniya, tinanggap niya ang “WPS” series,  produced by the Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) ni Dr. Mike Aragon. Nilinaw din niya ang chikang nilayasan na niya ang Viva Artists Agency at ayaw na niyang mag-artista.

Baka Bet Mo: Vivamax star Ayanna Misola ayaw nang maghubad; AJ, Aljur bida sa ‘WPS’

“Just to be clear, wala po akong sinabi na iniwan ko na ang Viva and wala rin akong sinabing ayoko na pong mag-artista. Ang sinabi ko po nu’n, may time na nawalan ako ng gana sa pag-aartista.


“Nag-focus po ako sa ibang bagay, sa paggawa ng mas maganda, mas makakabuti sa akin, katulad ng pag-aaral ko, natapos ko po ang high school ko,” esplika ni AJ.

“Parang tapos na ‘ko sa phase na ‘yun, sa part na nagpapa-sexy, nagpapakita ng skin. Gusto ko naman na bago naman, mas maganda, mas makakabuti para sa akin. Okay na ako sa part na nadaanan ko siya, nagawa ko siya (pagpapa-sexy),” ani AJ.

Sey pa ng dyowa ni Aljur, mas gusto niyang gamitin ang kanyang talento sa acting sa mga mas makabuluhang proyekto tulad nga ng “WPS” na tatalakay sa buhay ng mga sundalong Pinoy na involved sa pagbabantay at pagtatanggol sa West Philippine Sea.

Pahayag pa ni AJ, “Tinanggap namin ang proyektong ito kasi alam naming makakabuti siya para sa sarili namin at makakabuti siya para sa mga mamamayang Pilipino.”

Present din si Aljur sa nasabing zoomcon kaya natanong siya kung ano ang kanyang reaksyon sa desisyon ni AJ na tumigil na sa pagpapa-sexy.

“Tuwing magkasama kami, nababanggit niya ‘yun sa pamilya niya. Naging masaya ako sa naging desisyon niya. Ako naman, lagi akong nakasuporta sa mga kaibigan ko, sa mga taong mahal ko, kung anong gusto nilang gawin.

“Well, I’m happy and proud of her. Kasi hindi siya ganoon kadaling…parang ano siya, next step sa gusto niyang gawin,” tugon ng aktor

Samantala, tinawag namang mga bagong bayani ng producer ng “WPS” na si Doc Mike ang lahat ng artistang nasa serye. Wala raw talent fee ang lahat ng cast members, “Hindi ko sila binabayaran ng TF, libre ito. Meron honorarium lang.


“Even Viva (One) is not getting any manager’s commission. Tulong ito. Ang naibibigay lang namin ay honorarium for food, transportation, and basic expenses.

“The people here in front of you are real heroes, bayani sila. Maraming mga artista, gumagawa ng projects pero unang tanong, ‘Magkano TF ko riyan?’ Ito, wala. Nang sinabi ko sa kanila na ito ang problema, naintindihan nila. And they’re here in front of me,” pahayag ni Doc Mike.

Bukod kina AJ, Aljur at Jeric, kasama rin sa “WPS” sina Ali Forbes, Rannie Raymundo, Daiana Menezes, Lance Raymundo, Massimo Scofield, at Ayanna Misola.

Read more...