Lalaki hiniwalayan ang GF na adik sa pagpe-flex sa socmed: Nakakahiya!

Lalaki hiniwalayan ang GF na adik sa pagpe-flex sa socmed: Nakakahiya!

HINDI na nakayanan ng isang lalaki ang ugali ng kanyang girlfriend na mahilig mag-flex ng kung anu-ano sa social media — kaya hiniwalayan na niya ito.

Adik na adik kasi ang girlalu sa pagpo-post ng mga pinamimili nito sa socmed na hindi na nagugustuhan ng kanyang boyfriend dahil nagmumukha na itong trying hard atpl papampam.

Mainit na pinag-uusapan ang isang post sa Facebook page na “Note” kung saan isang lalaki nga ang nag-share ng kanyang experience about her ex-dyowa.

Ang caption sa naturang FB post ay,
“Nahiwalayan ka tuloy.”

Simulang sumbong ng lalaking anonymous sender tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang dyowa,  nagpunta raw sila sa isang fashion store sa isang mall kung saan sila bumili ng mga damit at pantalon.

Baka Bet Mo: Personal assistant ni female star baka lumayas na; na-bad trip sa epal na dyowa ng kanyang amo

Sa cashier, sinabihan daw ng girl ang staff na ilagay sa magkakahiwalay na paper bags ang bawat item na nabili nila. Dito raw nakaramdam ng hiya ang guy sa ginawa ng GF niya.

Mas na-turn off pa raw siya nang magyaya sa coffee shop ang girlalu at inutusan siyang kunan ng picture hawak ang mga paper bag para raw mai-post niya sa kanyang My Story.

“AND SHE KEEPS DOING THIS EVERY TIME WE GO OUT FOR A DATE AND IT’S EMBARRASSING.

“She’s a 10 but di ko kaya yung mga ganung gawain niya. It’s so embarrassing. Ayun I asked for a break up 2 weeks after,” chika pa ng guy.

Narito ang mga reaksiyon ng mga netizens sa rant ni Kuya.

“Kung ako ‘yan, hihiwalayan ko nga. Ayoko ng social climber.”

“Buti na rin na di mo pinatagal kasi kung ayaw mo sa ugali o attitude niya, paano pa kapag nagpakasal na kayo baka mas mairita ka lang, at too late na pala.”

“KJ mo naman kuya hahaha.”

“Part ng love ung alamin natin anong nagpapasaya sa partner natin. Sa tingin ko one of her love language is that.. appreciating things. Flexing. If that irritates you, it’s better nga na pag usapan. Knowledge is power and also understanding as well. For sure may bagay ka din naman na nagagawa that irritates her.”

“Good job. Letting go is really hard specially if you love your partner but when you’re not happy or you can’t see the future with your partner. its better to let go specially its not that long pa. I hope you can find someone that will make you happy.”

“Tama Yan hiwalayan mo..kasi feeling mo toxic na Siya Sayo…hanap ka Yung simple lang Yung d ka yayain lumabas o mag shopping Yung tipong sana Bahay lang di maluho at di mahilig mag post sa social media…baka di lang kayo match ng style.”

“Unless if you’re the one paying sa luho or if she’s forcing you to pay then thats a problem. But if you’re not the one paying sa luho nya, then you should be proud that you have an independent woman by your side and celebrate it with he and be happy for her. If its too much for you to handle, communicate that it has become an issue.”

“Hahaha! Ang kitid ng isip mo! Malay mo her love language is that appreciating things, flexing pasalamat ka nga sa maliit na bagay mababaw lng kaligayahan ng jowa mo. Baka mawindang ka pag ang hiningi niya sayo bahay at kotse para i flex niya, tpos di mo naman keri ibigay.”

“The ex girlfriend who’s a 10 deserves a man who she can be happy with instead of disgust when she is just enjoying her life. She saved herself from a horrible person, you. Good riddance.”

“Just my opinion. Dude, I validate your feelings. Pero sana you talked to her privately abt your concern. Perhaps, she would realize yung ganong attitude niya then may settlement ng mga ayaw mo sa kanya and vice versa, if there’s any. Nasaktan ka ng attitude niya, pero nasaktan mo rin naman siya sa break-up. But I hope you both do well in love and life.”

Read more...