Maris, Anthony inintriga sa couple shoes, magdyowa na nga ba?

Maris, Anthony inintriga sa couple shoes, magdyowa na nga ba?

Anthony Jennings at Maris Racal

MARAMI ang nakapansin sa couple shoes nina Anthony Jennings at Maris Racal na Adidas black and white Samba.

Nakunan ng larawan ang dalawa habang nakaupo sa hagdanan at kausap si Richard Gutierrez habang si Barbie Imperial naman ay nagpa-picture sa kababayang nasa Italy.

Una naming nabasa ang komento ng lalaking Marites na si Xian Gaza ng “Nice shoes.”

Hanggang sa nag-viral na ang larawang ito at binilugan pa ng netizens na marami na ang nag-share at isa na ang Facebook user na Lycare Personal Essentials na may 192,000 followers.

Inalala ng nasabing FB user ang pahayag noon ni Maris nang aminin niya sa mediacon na hiwalay na sila ni Rico Blanco at ipinagdiinang hindi raw ang ka-loveteam niyang si Anhony ang dahilan ng breakup.

Baka Bet Mo: Janine Gutierrez in-unfollow nga ba si Julie Anne San Jose sa Instagram?

Ni-repost pa ang statement ng aktres dati na, “Huwag idamay si Anthony sa issue ng breakup namin ni Rico. Anthony is out of the picture here. It’s just mainly me and Rico. Mainly me, I’m the issue.”


Marami pa raw gustong gawin si Maris sa karera niya at narito ang ilang nabasa naming komento tungkol kina Maris at Anthony.

“Ganu’n naman talaga mga karamihan sa artista kung sino ka love team nila magkaka developan para sympre kiligin ang mga fans.”

“They’re not meant for each other (Rico Blanco). The guy wants to settle but the girl was afraid of the incoming situation and so she fled and the guy took the higher road of keeping the pain and kept himself to move on. Hats off to Rico for being courageous in dealing with the heartaches! As for Maris, well good luck girl in finding ‘ur place under the sun, hope she’ll be able to find a guy that suited for her.”

“If ever totoo, at least hindi sila married bata pa kasi kaya gusto pa mag explore mas masakit ‘yung married couple ‘tas magloloko ang isa.”

Masyado namang harsh ang sinabi ng isang netizen kay Maris, “Niloko lng ni Maris c Rico pinagpalit nia Kay Anthony.”

“May pa iyak iyak pa si ante!”

“May project po cla remember?”

“Good for her to realize the soonest. We must be understanding, we did not know what she was surmounting.”

“Tama ung manghuhula di sila magkasamang tatanda.”

May nagtanong namang netizen ng, “Di ba may gf si Anthony?”


“May girlfriend si Anthony and seems like they’re still together naman. I think we should stop making up stories, maraming gullible sa socmed.”

“Even Maris tell that Anthony is out of the picture sa hiwalayan. Tingnan nlng natin sa mga galaw at ginagawa ni Maris. Matapos nilang mag hiwalay ni Korics Rico. Di ba parang wla lang sa kanya agad2 na mag kasama sila ni Anthony at sabihin na natin na pwde syang ma in-love sa ka loveteam niya pero dinay lang niya.”

Say ng isang nag-aabang sa lovelife ni Maris, “Nawala nlang bigla ung issue actually.. Abang nlang tyo gang Dec or next year if may labas na news sa knila 2 (Anthony at Maris).”

Bukas ang BANDERA sa panig nina Anthony Jennings at Maris Racal tungkol sa couple shoes nila at kung ano na ang update sa loveteam nila kung naging real loveteam na ito.

Read more...