MAGBABAGO na ang kapalaran ng 100 nating mga kababayang nangangailangan sa handog ni Tutok to Win Party-list Representative Sam Verzosa na foodcart franchise business.
Ang pamamahagi ng bagong negosyo sa 100 indibiduwal ay ginanap kasabay nang pagselebra ni Verzosa ng kanyang kaarawan sa MLQU covered basketball court kamakailan.
Taon-taon tuwing kanyang birthday ay nagbibigay tulong ang nagtatag ng Frontrow, ang nangungunang global multi-level marketing company, at ito naman aniya ay ginagawa niya bilang pasasalamat sa mga natatanggap na biyaya.
Baka Bet Mo: Hirit ni Chito Miranda sa 1st birthday ni Cash: Gusto kong sabihin na ‘wag ka sanang magbabago pero…
Sabi ni Verzosa ito ay isang pagbabalik-tanaw din sa kanyang payak na pinagmulan sa distrito ng Sampaloc.
“Tulad ninyo galing at naranasan ko rin ang kahirapan. Naramdaman ko ang nararamdaman ninyo at naranasan ko ang nararanasan ninyo,” banggit nito sa mga benepisaryo ng kanyang handog na sariling kabuhayan
“Tutulungan ko kayo na tulungan ang sarili ninyo,” dagdag pa ni Verzosa.
Ang mga benepisaryo ay napili sa daan-daang nag-comment sa live broadcast sa social media ng programa sa telebisyon ni Verzosa, ang “Dear SV,” na mapapanood alas-11:30 ng gabi tuwing Sabado sa GMA 7.
Ang ipinamahagi niyang Siomai ng Maynila foodcart business ay kumpleto na sa mga kagamitan hanggang sa paunang ititindang siomai, ititimplang palamig at ilulutong bigas.
Nakasama ni Verzosa sa pamamahagi ng kanyang handog ang kanyang pamilya at sinorpresa pa siya ng kanyang girlfriend, ang aktres na si Rhian Ramos, na nagdagdag ningning sa okasyon.