Angelica ipinangalan sa namayapang ina ang pag-aaring ‘Ebela Farm’

Angelica ipinangalan sa namayapang ina ang pag-aaring 'Ebela Farm'

Angelica Panganiban, Annabelle ‘Ebela’ Panganiban, Gregg Homan at Amila Homan

SA kabila ng patuloy na pagluluksa dahil sa pagpanaw ng pinakamamahal na ina, kinailangan pa ring ipagdiwang nina Angelica Panganiban ang mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya.

Ayon sa Kapamilya actress at celebrity mom, kailangang tuloy pa rin ang buhay kahit na nawala ang isa sa mga taong pinakamahalaga sa kanya.

Sa isang vlog, ipinakita ni Angelica kung paano nila ipinagdiwang ang kaarawan ng asawang si Gregg Homan at ng panganay nilang anak na si Amila.

Dito ibinahagi ni Angge na ipinangalan daw nila ang pag-aaring farm sa kanyang yumaong nanay na si Annabelle “Ebela” Panganiban.

Baka Bet Mo: Nadine nagluluksa pero kailangan pa ring mag-work: Napakahirap nu’n!

Pahayag ni Angelica, “We’re here at Ebela’s Farm. Ipinangalan namin kay mama ang farm para makasama pa rin namin siya. Since hindi pa namin mapatayuan ng building si Ebela. Ebela’s Farm muna.”


Pagpapatuloy ng aktres, “Sa mga hindi nakakaalam, si Ebela is my mom who passed away August 20th. So medyo sudden ang pang-iiwan sa atin, pero ganoon talaga.”

Kuwento pa ni Angelica, nagdesisyon sila ni Gregg na magpahinga muna pansamantala para ipagluksa ang pagkamatay ng nanay niya at saka sinundan ng selebrasyon ng kaarawan ng kanyang mag-ama.

“Nagpahinga kami dahil sa mga kaganapan recently. Life goes on. Kailangan namin i-celebrate ang life. Birthday na ni Amila.

“Birthday na rin ni Greg so both September celebrants sila kaya nag-decide kaming mag-celebrate dito sa farm,” sey ni Angge.

Pagbabahagi pa ng Kapamilya star, hindi na muna nila binonggahan ang party, “Maliit na celebration lang with family and mga kaibigan lang ni Greg, mag-camp kami.”

Read more...