Ogie Diaz sa relasyon daw nina Liza at Jeffrey Oh: Basta happy sila!

Ogie Diaz sa relasyon daw nina Liza at Jeffrey Oh: Basta happy sila!

Liza Soberano, James Reid at Jeffrey Oh

MAINIT pa ring pinag-uusapan ngayon ng mga Marites ang umano’y namamagitang “something” sa pagitan nina Liza Soberano at Jeffrey Oh.

Kalat na ang mga litrato at video ni Liza kasama ang dating business partner ni James Reid na si Jeffrey na kuha raw sa Singapore.

Si Jeffrey ang inakusahan ni James na nanloko sa kanya sa kanilang negosyon kung saan milyun-milyong piso ang involved. Ito ang dahilan kung bakit tinanggal na nila sa Careless talent management and record label si Jeffrey.

Baka Bet Mo: True ba, kasosyo ni James sa negosyo at talent manager ni Liza baka ipa-deport dahil sa patung-patong na reklamo?

Ang kumakalat na chika ngayon, umalis daw si Liza sa Careless ni James bilang talent dahil umano sa relasyon nila ni Jeffrey.

Kasunod nito, naglabas ng kanyang saloobin ang dating manager ni Liza na si Ogie Diaz matapos mapanood ang video kung saan magkasama nga ang ang dati niyang talent at si Jeffrey Oh sa Singapore.

Sa episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, September 23, sinabi ni Ogie na happy siya na makitang masaya si Liza.


“Basta makita nating happy si Liza, e ‘di okay na tayo dapat du’n. Kasi nga ‘yung mga fans lang naman talaga ang nakahuli nu’ng shot na ‘yun. Na natatakpan pala ng babaeng nagbi-video (si Jeffrey),” simulang pahayag ng talent manager at online host.

Tanong ni Ogie sa co-host niyang si Mama Loi, “Sino naman tayo para kumontra kung happy naman siya doon?”

Sey naman ni Mama Loi, “E, kasi ‘yung iba, Nay, nagtatanong. So, kung magkasama sila, magkasama ba sila dahil si Jeffrey Oh ‘yong manager ngayon ni Liza Soberano? O magkasama sila dahil for personal reasons?”

“Alam mo, ‘yung feeling ko hindi ko alam,” natawang sagot naman ni Mama Ogs. Dugtong pa niya, “Hayaan na natin, basta happy sila.”

Nitong nagdaang linggo ay na-interview ni Ogie si James kung saan ibinuking nga ng actor-singer at record producer ang ginawang panloloko sa kanya ni Jeffrey Oh.

July, 2023 ay hinuli ng Bureau of Immigration agents si Jeffrey habang nasa opisina ng Careless sa Makati City dahil sa kawalan ng work permit o work visa sa Pilipinas na manggagaling sa Philippine government para legal itong makapagtrabaho rito sa bansa.

Nakapanayam ni Ogie si James kasama ang abogadong si Atty. Rodel de Guzman. Una nilang nilinaw na hindi na konektado si Liza bilang talent ng Careless noon pang July, 29, 2024 habang si Jeffrey Oh ay noong July 2, 2024 pa tinanggal sa kumpanya.

Bukod sa Careless Holdings ay wala na rin si Jeffrey Oh sa Careless Music Manila, Inc., Careless Production OPC, Island City Music PH OPC, Premier Private Label, Inc., o Careless Group of Companies.

Tanong ni Ogie sa abogado ni James ay kung may gusto itong sabihin tungkol kay Jeffrey na dating manager din ni Liza.


Sabi muna ni James, “Actually, I met Atty. Rodel last year to help with a lot of the issues. When Jeff was originally arrested for immigration issues and we had hired attorney to look into the company and do an audit, to resolve and fix everything.”

Esplika ng abogado ni James, “Si Liza ang kumausap sa amin para tulungan ang Careless Group at pag-aralan kung ano ‘yung mga nangyayari bandang August 2023.

“Naglabas kami ng audit findings at ipinaliwanag namin (at) kaharap si Jeffrey Oh na marami pang problema ang kumpanya pero ang unang nakita namin ay kulang ang papeles ni Jeffrey Oh para magtrabaho dito sa Pilipinas.

“Kaya nirekomenda namin sa kumpanya na alisin muna ‘yung mga kulang ang papeles at saka namin aayusin pa ‘yung ibang problema ng kumpanya at ang naging reminder ko nga kay James ay ang Careless ay iisa lang ang rehistradong may-ari kundi si James Reid lang.

“So, kung anuman ang problema ng kumpanya o ng tauhan niya ay siya ang madadawit kaya napag-usapan na namin na pormal nang alisin si Jeffrey Oh para alam ng publiko na wala ng relasyon si Jeffrey Oh du’n sa mga kumpanya,” paliwanag pa.

Read more...