Sey mo Pia, Heart pinuri si Anne sa pagrampa sa Milan: She’s very nice

Sey mo Pia, Heart pinuri si Anne sa pagrampa sa Milan: She's very nice

Pia Wurtzbach, Heart Evangelista at Anne Curtis

KUNG puro patagilid na patutsada ang ipino-post umano ng Kapuso star na si Heart Evangelista laban kay Pia Wurtzbach, puring-puri naman nito si Anne Curtis.

Puro magagandang komento ang ipinahatid ng international fashion icon para kay Anne nang um-attend ito sa Gucci Spring/Summer 2025 show sa Milan Fashion Week.

Sa Instagram, ibinandera ni Heart ang ginawa niyang mini vlog na naglalaman ng kanyang “Day O” sa pagrampa niya Paris nitong nagdaang mga araw.

Baka Bet Mo: Regine bigong magaya ang eksena ni Claudine sa ‘Milan’; Piolo pinatunayan ang loyalty kay Rhea Tan

Dumalo ang aktres sa mga runway show ng Prada, Tod’s, Moschino, at Dolce & Gabbana.

Bukod sa ginawa niyang campaign shoot with Lancaster, nagkaroon din siya ng fitting session with Loewe and Alaïa, at ang mga bonding moments nila ng kanyang glam team.

Bago matapos ang video, ipinakita rin ng wifey ni Senate President Chiz Escudero habang nag-i-scroll sa kanyang Instagram feed, kung saan nakita niya ang post ni Anne about Milan Fashion Week.

“Ang cute, cute ni Anne. Anne, I want you to have the moment.


“Dalian mo na, Anne, rampa ka na dito,” ang tuwang-tuwa at excited na pag-imbita niya sa Kapamilya TV host-actress.

Kasunod nito, inalala rin ni Heart ang halos sabay na pagsisimula nila ni Anne sa mundo ng showbiz noong teenager pa lamang sila.

“I really appreciate Anne, you know, when we were growing up, we were both in showbiz, and it was a little bit stressful,” chika ng Kapuso actress.

Dagdag pa niya, “But then as you age, you really discover she has such a pure heart so it’s so nice na we are okay, and we became good friends.”

Sa huling bahagi ng kanyang video ay nasabi ng aktres na sana’y mabigyan sila ni Anne ng maraming pagkakataon na makapag-bonding nang bonggang-bongga.

“She’s very nice, she’s very supportive, she’s a girl’s girl,” sey pa ni Hearty.

Sa unang IG post ng misis ni Sen. Chiz ay nag-iwan ng mensahe si Anne, “Love! (red heart emoji).”

Pagkatapos ng Milan Fashion Week, nagpunta naman si Heart sa France para um-attend ng Paris Fashion Week habang umuwi na ng Pilipinas si Anne after attending Gucci’s show.

Read more...