Ex-PBB housemate Fumiya Sankai: I’m not bading, very straight na lalaki!

Ex-PBB housemate Fumiya Sankai: I'm not bading, very straight na lalaki!

Fumiya Sankai at Kate Valdez

DIRETSAHANG sinagot ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Fumiya Sankai ang matagal nang tsismis na isa siyang bading.

May isa kasing netizen ang nagkomento sa isang TikTok video ni Fumiya na hindi niya in-expect na magkaka-girlfriend ang Japanese vlogger dahil ang akala talaga niya ay beki ito.

Ang tinutukoy ng netizen na GF ni Fumiya ay ang Kapuso actress at lead star ng GMA afternoon series na “Shining Inheritance” na si Kate Valdez.

Gumawa ng panibagong TikTok video ang dating housemate ni Big Brother para sagutin ang komento ng netizen about his sexual preference.

And this time ay kasama na niya ang dyowang si Kate na sa halip na magalit o ma-offend para kay Fumiya ay tawa pa nang tawa sa pagkuwestiyon sa kanyang gender.

Baka Bet Mo: Kate Valdez aminadong ‘inlababo’ kay Fumiya Sankai: Yes! Sobra!

Binasa muna ni Fumiya ang komento ng netizen, “Akala ko noong una bading si Fumiya, hindi pala.” Kasunod nga nito ang malakas na tawa ni Kate.

Kaya ang tanong sa kanya ni Fumiya, “Why, why are you sobrang laughing?” Na sinagot naman ng Kapuso actress ng, “Kasi, when you read the word bading is giving too much stress, ‘BADING’.”

Ang siste, hindi pala knows ni Fumiya kung ano ang meaning ng “bading” kaya tinanong niya si Kate, “What do you mean bading?”

Sagot ni Kate sa kanya, “Bading means gay.”


Kaya ang reaksyon ni Fumiya ay, “Ah, so they thought like (I’m bading). Okay, hi!  Thank you so much for comment pero I’m not bading now, before din.

“That’s why don’t worry, I’m nobody like that. Im straight, very straight, lalaki!” ang mariing paglilinaw ni Fumiya.

Sa pagkakatanda namin, hindi ito ang unang beses na sinabi ni Fumiya na hindi siya beki.

Last year, ay natsismis ding isa siyang bading dahil sa pagsasayaw niya sa isang TikTok video kasama ang isang non-showbiz guy. Mabilis itong nag-viral sa social media.

Isang netizen ang nagtanong kay Fumiya ng, “Is that your boyfriend?” Isa naman ang nag-comment ng, “Finally nireveal mo na jowa mo.”

Pero paglilinaw ng dating “PBB”, “Akala ko my dance is very nice that’s why it’s trending. I respect LGBT. Very respect. Pero I’m very, very straight. We are really straight.”

Read more...