Barbie nawala sa ‘Batang Quiapo’, kasama raw ni Richard sa Italy

Barbie nawala sa 'Batang Quiapo', kasama raw ni Richard sa Italy

Sarah Lahbati, Richard Gutierrez at Barbie Imperial

KAYA naman pala nawala sa “FPJ’s Batang Quiapo” si Barbie Imperial ay dahil nasa Italy ito kung saan nagte-taping sina Richard Gutierrez at Daniel Padilla para sa bago nilang serye.

May nagsabi sa amin na dapat ay may taping si Barbie kamakailan pero biglang kinansel dahil wala sa bansa ang aktres.

Anyway, naibalita rin ito ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na in-upload kagabi, Lunes, Setyembre 23.

May ipinakitang video na naroon at magkasama Richard at Barbie. Hindi kasama si Barbie sa “Incognito” series nina Richard at Daniel kaya ang tsika ni Ogie, “Wala naman silang dini-deny tungkol sa relasyon nila.”

Baka Bet Mo: Billy tinalikuran lahat ng bisyo para sa pamilya: Hindi na ako umiinom at naninigarilyo, nawala rin ‘yung pakikipagbarkada

Tanong ni Mama Loi, “E, kinonfirm na ba?”

Sagot agad ni Ogie, “Dyusko kahit hindi ko naman tanungin sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ay alam ko namang sila naman talaga at makikita mo naman do’n (sa Italy). Hindi naman sa kabilang kanto ‘yan Loi, hindi naman sa Cubao lang.”

Hirit ni Nama Loi, “Kasi nga nagtataka ang netizens kung bakit nandoon si Barbie Imperial sa Italy, e, hindi naman siya kasama sa Incognito.”


“E, di ba ang alam natin ay nandoon siya sa Batang Quiapo? Tapos bigla siyang nawala. Babalik si Barbie (BQ) sabi niya sa akin.

“Pero ito ang hindi niya naikuwento sa akin na kasama siya sa Italy ni Richard Gutierrez. Kaya ‘yung iba nagtataka, e, hindi naman siya kasama sa Incognito, ang importate ay kasama siya sa trip,” kuwento ni Ogie.

Pahabol pa ni Ogie tungkol naman kay Richard at sa estranged wife nitong si Sarah Lahbati ay napanaginipan daw niyang inaayos na ang annulment ng dating mag-asawa.

Aniya pa, co-parenting na lang ang dapat ayusin nina Richard at Sarah para sa dalawa nilang anak.

Read more...