Xian Gaza walang kuwentang anak; may patama kay Carlos Yulo

Xian Gaza walang kuwentang anak; may patama kay Carlos Yulo

Xian Gaza, Chloe San Jose at Carlos Yulo

NAGDIWANG ng kaarawan ang ina ng tinaguriang lalaking Marites na si Xian Gaza at binati niya ito sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Inamin ng social media personality na wala siyang kuwentang anak dahil lagi silang nag-aaway ng kanyang nanay.

At kapag nag-aaway sila ay hindi ito kinikibo ni Xian ng ilang buwan o taon dahil ayaw niyang makarinig ng sermon at pati ang sustento niya ay hininto.

Sa pagbati ni Xian sa ina ay inako niyang hindi siya naging mabuting anak.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful

“Happy Birthday, Mama. Sorry kung ako’y isang walang kwentang anak. Pera na lang ang tanging ambag ko sa buhay mo, hininto ko pa ang pagpapadala.

“Tuwing hindi tayo nagkakasundo sa isang bagay, iba-block kita at hindi kakausapin ng isang buong taon.


“Ako ‘yung anak mong bastardo na walang ambag sa buhay mo. Sa madaling sabi, useless piece of shit na anak. Hayahay na hayahay sa life habang ikaw ay sobrang namomroblema sa mga bayarin.

“Palagi na lang tayong hindi nagakakasundo sa lahat ng bagay for the last 31 years. Palagi na lang kontrapelo ‘yung pananaw natin sa buhay.

“Pero sa kabila ng lahat ng ito, nais ko lamang ipabatid sa lahat na mahal na mahal kita at proud ako sa’yo. I just hope that you will live the remaining days of your life ng ayon sa iyong kagustuhan at hindi lang para i-please ang iba.

“Happy happy birthday, Mama, and I wish you all the happiness in the world! Ang tanda mo na kaya sana piliin mo ng mabuhay ng payapa at malayo sa stress. I love you,” paglalarawan ni Xian sa relasyon nilang mag-ina.


At saka nito naalala ang double gold medalist sa nakaraang 2024 Paris Olympic na si Carlos Yulo kung paano nito sinagut-sagot ang ina.

Say ni Xian, “Ganyan dapat, Caloy. Hindi ‘yung sisiraan mo pa sa lahat- sarili mong nanay inexposé mo sa buong mundo hypecca.”

Anyway, baka lang hindi napanood ni Xian ang panayam ni Carlos kay Toni Gonzaga -Soriano sa vlog nitong “Toni Talks” ay inamin ng binata na mali siya sa pagsagut-sagot sa ina at hoping naman siyang magkakaayos din sila sa tamang panahon.

Read more...