Rabiya tinopak kaya pinagtripan si Jeric: Walang perfect na relasyon

Rabiya tinopak kaya pinagtripan si Jeric: Walang perfect na relasyon

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

NAGSALITA na ang Kapuso TV host-actress na si Rabiya Mateo tungkol sa napabalitang naghiwalay na naman sila ng kanyang dyowang si Jeric Gonzales.

Kumalat ang chika na nakipag-break sa ikalawang pagkakataon ang former beauty queen kay Jeric dahil bigla na lamang niyang in-unfollow at binlock ang aktor sa Instagram.

Ayon kay Rabiya, tinopak lang daw siyang kaya na-block niya sa social media si Jeric at magdyowa pa rin naman daw sila until now.

Sa guesting ni Rabiya sa “The Boobay and Tekla Show” nitong Linggo, September 22, ay napag-usapan nga ang tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jeric.

Baka Bet Mo: Rabiya ipinaglaban ang pag-ibig kay Jeric: Ang dami kong isinakripisyo, kapag nagmahal po talaga ako all-out

Tinanong si Rabiya kung ano ba talaga ang status niya ngayon pagdating sa kanyang lovelife. Ang sagot ng dalaga, “Medyo taken charot! Depende sa topak ko sa araw na yun.”

“Actually, I’m still in a relationship,” ang pagkumpirma ni Rabiya.

In-explain ng Kapuso star kung bakit lumabas sa Instagram na hindi na sila nagpa-follow sa isa’t isa, “Oo nga! Ang bilis kasi ng mga Marites.


“Alam mo naman tayo, kapag padating na yung araw natin, iba na yung topak natin. Iba na yung init ng ulo natin,” ani Rabiya na ang tinutukoy ay ang monthly period ng mga kababaihan.

Dagdag pa ng dalaga, “So my day, it was a bad day, and then I blocked Jeric. So, hindi ko naman ini-expect na mahahagilap agad yun.

“Ipa-follow ko na siya dapat din, kasi nag-okay na kami that day. Pero nakalimutan ko, e wala na, sumabog na,” natatawang sey pa ni Rabiya.

Sa tanong kung pina-follow na ba niya uli si Jeric, “Ngayon, hindi muna. Pero ano lang. Si Jeric nga yung unang nagsabi sa akin, kasi nalaman ko na na-block ko siya through social media.

“Sabi niya, o may isyu na kumakalat na hindi na daw kami. Pero, we were together that day. Tapos sabay din kaming lumipad ng country, kababalik lang namin from Taiwan,” esplika pa ni Rabiya.

Dugtong pa niya, “I know maraming kuwento, maraming blind items na nangyayari, walang katotohan po yun. I and Jeric are okay.

“Wala namang perfect relationship. At kahit matagal na kami ni Jeric, nasa stage pa rin kami na may mga ugali yung bawat isa na ngayon pa lang namin nalalaman.

“And still, we’re still working on to compliment each other. At hindi pa naman kami naggi-give up. So, I guess, it’s a good start,” aniya pa.

Ito naman ang message niya kay Jeric, “Thank you for always keeping me grounded. Thank you for always reminding me that our relationship is so much more kung ano yung nakikita ng tao sa social media.

“And I hope that we still get to forgive each other sa mga kasalanan na gagawin natin. Ang mga upcoming na kasalanan. You know that I always love you,” lahad pa niya.

Read more...