DANIEL tinopak daw, tumangging magpainterbyu sa press…nagkulong sa hotel?
Lumaki na ba talaga ang ulo ni Daniel Padilla? Well, he seems to be the subject of a blind item in a popular website at puro nega ang nasulat sa kanya.
Nang minsan daw na magkaroon ng provincial show ang binata ay naging mailap daw ito sa mga tao. Ayaw raw nitong lumabas sa kanyang van para makita lamang ang mga fans na nagbigay ng kanilang oras para ma-sight ang kanyang kaguwapuhan.
Talagang wala raw nagawa ang mga organizer at hindi nila napalabas ng kanyang sasakyan ang binata. At ang nakakaloka pa, nagpanggap daw ang binata na meron siyang headache para lamang hindi makapag-motorcade.
Sa mga probinsiya kasi, para malaman ng tao na merong bigating celebrity na bisita para sa mall shows ay ipinaparada nila ito through a motorcade. Parang naging SOP na ito para sa ating mga celebrities na pumupunta ng provinces para mag-show.
At meron din daw instruction ang binata na hindi siya puwedeng istorbohin sa kanyang hotel room kaya naman walang nagawa ang mga organizer kundi pagbigyan siya.
Maging ang mga local writers doon ay hindi rin daw pinagbigyan ng binata. Wala raw ito sa mood na magpainterbyu kaya wala man lang isang writer ang nakapanayam sa actor. True ba ito, Daniel?
Well, baka naman wala sa itinerary ng actor na meron siyang motorcade at interview sa local press kaya naman hindi niya alam ang mga bagay na ‘yon. Kailangan kasi ay in black and white ang kontrata para malinaw sa both parties.
Anyway, marami kaming naririnig na mga kanegahang kuwento about Daniel but his fans seems to be deaf sa mga nasty stories about him. Talagang iniidolo siya ng napakaraming kabataan ngayon.
Grabe ang tinatamasa niyang popularity. Parang siya lang talaga ang nakakaranas ng ganyan sa kanilang henerasyon.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.