Bea Alonzo na-gets na ang residency card sa Spain: Finally!

Bea Alonzo na-gets na ang residency card sa Spain: Finally!

Reggee Bonoan - September 23, 2024 - 08:25 AM

Bea Alonzo na-gets na ang residency card sa Spain: Finally!

Bea Alonzo

WALA pang dalawang taong nabibili ni Bea Alonzo ang bahay niya sa Madrid, Spain sa halagang 500,000 euros o P30 million ay nakuha na niya agad ang kanyang Residency Card.

Matatandaang nasulat namin dito sa BANDERA noong Nobyembre 22, 2022 na nagbakasyon ang aktres kasama ang Mommy Mary Ann Ranollo at stepdad na si Dondon Carlos sa Madrid sa loob ng 26 araw at nabigyan na siya ng Golden Visa o Spanish Government Residency by Investment (RBI) program.

Pagkatapos ng nasabing bakasyon ay walang balita kung nakabalik ulit si Bea sa Spain dahil naging busy na siya sa mga project niya rito sa Pilipinas bukod pa sa abala rin siya noon sa pag-aayos ng kasal nila ng ex-fiancé na si Dominic Roque.

Baka Bet Mo: Sofia Andres pak na pak bilang ‘bride’ sa isang fashion show sa Spain

Panay din ang bakasyon nila out of the country na ang pinakahuling post ay ang Japan noong January, 2024 at ito na rin pala ang huli dahil naghiwalay na sila ni Dominic.

Going back to Bea ay ipinost niya sa kanyang Instagram stories kamakailan na hawak na niya ang kanyang residency card na ang caption ay, “Finally got to pick up my residency card!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Ang huling post ng aktres sa IG stories ay ang mapa ng bansang Morocco kung saan naroon siya para sa Bench event kasama rin ang may-ari na si Ben Chan.

Tinag ang aktres ng nagngangalang Migs Pastor kung nasaan sila ngayon, “Our home in Marrakech for three nights, La Mamounia has been a beloved destination for discerning international travelers.

“Located in the heart of the enchanting imperial city, this luxury hotel has recreated the intoxicating mood of a Moroccan palace.

“The sprawling gardens are ripe with citrus trees, fragrant rose blossoms, ancient olive groves, and a vegetable garden where one might see La Mamounia’s chefs foraging for ingredients to be prepared that evening at the hotel’s three signature restaurants.

“Completing the regal experience, La Mamounia’s service epitomizes Moroccan hospitality with attentive and friendly staff, always with a warm smile.
@bcbench @avantgardehome @voyagewithpaul @gracegamboapalaganas @beaalonzo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero bago sila tumungo ng Morocco ay may larawan din si Bea kasama si Ben Chan na nasa Madrid at Paris kasama ang grupo ng huli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending