NI-LAUNCH ng Kapamilya actor-singer na si Seth Fedelin ang kanyang debut extended play (EP) na “Caution” kung saan ibinahagi niya ang damdamin pagdating sa pag-ibig.
Tampok sa mini album ang sariling komposisyon ni Seth na “Mamahalin Kita” at “Iba Ka.” Ilan din sa laman nitong awitin ay ang “Di Ka Nag Behave,” “Akin Ka,” at “Night Calls.”
Sa key track na “Night Calls,” binigyan ni Seth ng bagong kulay ang original song ni Bryant na umiikot sa kagustuhan na makausap at makasama ang taong iniibig sa buong gabi.
Ipinrodyus ang “Caution” EP ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Nagsimula ang karera ni Seth nang makilala siya bilang housemate sa “Pinoy Big Brother: Otso” noong 2018. Pinasok niya ang mundo ng pag-arte at bumida sa iba’t ibang serye “Huwag Kang Mangamba,” “Kadenang Ginto,” “Dirty Linen,” at “Fractured.”
Bibida rin si Seth sa upcoming film na “My Future You” kasama ang onscreen partner na si Francine Diaz.
Bukod sa pag-arte, binigyang boses din niya ang iba’t ibang soundtracks tulad ng “Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba” mula sa “Hello Stranger,” “Hindi Kita Iiwan” mula sa “Lyric & Beat,” at “Mamahalin Kita Palagi” mula sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!”
Noong 2022, inilabas naman niya ang unang single na “Kundi Ikaw.”
Pakinggan ang debut EP ni Seth na “Caution” na available sa iba’t ibang digital streaming platforms
* * *
Kinilala ang ABS-CBN bilang isa sa tatlong nangungunang video entertainment brands sa bansa at bukod tanging media company sa Pilipinas na nanalo sa kategorya ng 2024 Kantar BrandZ Most Valuable Philippine Brands awarding ceremony.
Ayon sa Kantar BrandZ report, kinilala ABS-CBN dahil malakas pa rin ang ABS-CBN brand kahit wala na itong free TV channel.
Dagdag pa ng Kantar BrandZ, dahil napapanood ang mga palabas ng ABS-CBN online ay mas naaabot ng mga manonood ang kanilang mga paboritong programa anumang oras gamit ang iba’t ibang devices.
Ang Kantar Brand Z ay isang taunang ulat na kumikilala sa mga tanyag na brands base sa survey.
Ngayong 2024, pinarangalan ng Philippine BrandZ PH report ang most valuable Philippine brands mula sa sektor ng Payment Networks, Dairy, Video Entertainment, at Fast Food.
Niraranggo ito gamit ang Demand Power index, isang sukat ng consumer demand para sa isang brand para magpahiwatig ng volume share ng isang brand batay sa pananaw ng mga mamimili.