Chloe San Jose kamukha raw ni ‘Bride of Chucky’, tinawag pang retokada

Chloe San Jose kamukha raw ng 'Bride of Chucky', tinawag pang retokada

Chloe San Jose at ‘Bride of Chucky’

SA halip na magalit o mapikon, sinasakyan na lamang ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang mga panlalait at pang-ookray sa kanya ng mga basher.

Tulad ng pagkukumpara sa kanya ng mga bully sa social media sa itsura ng “Bride of Chucky” nang mag-post siya ng mga litrato nila ni Caloy na kuha sa isa nilang event.

Sa mga hindi pa aware, ang “Bride of Chucky” ay isang black comedy slasher movie kung saan ang manikang si Chucky, ay sinasaniban ng isang namatay na serial killer.

Baka Bet Mo: Annabelle inabswelto si Sarah sa ‘Chucky’ post: Hindi S ang initial…E!

Binuhay din siya ng dating kasintahan na si Tiffany, na naging possessed doll din sa sumunod na sequel ng pelikula. Ito ang ikaapat na pelikula sa “Child’s Play” movie series.

Sa kanyang social media accounts, nag-post nga si Chloe ng mga photos nila ng kanyang dyowang si Carlos sa pagpapakilala sa kanila bilang bagong brand ambassador ng isang dental clinic.


Ang inilagay na caption ni Chloe sa kanyang Facebook post ay, “For a brighter and bigger smile.”

May mga nag-like at nagkomento ng magaganda sa FB post ng vlogger pero marami pa rin ang nangnega sa kanya at ikinumpara pa siya kay Chuky’s Bride.

“Si Chuckies bride paldo n nmn,” ang hirit ng isa niyang follower na sinagot ni Chloe ng, “Alter ego unlocked” na sinamahan pa niya ng litrato ni Tiffany.

May netizen pang nag-effort na gumawa ng magkatabing litrato nina Chloe at Bride of Chucky. Ang panunupalpal sa kanya ng dyowa ni Carlos, “ACCURATEEE! Perioddttt.”

Hindi rin pinalampas ni Chloe ang nagkomento sa post niya na isa raw siyang retokada.

“Sorry to say i’m not retokada at all lol – on my way though to get enhancements, stay tuned,” pambabasag ni Chloe sa naturang basher.

Read more...