Ai Ai buking agad na bading ang dyowa ng anak: Mother’s instinct yarn!

Ai Ai buking agad na bading ang dyowa ng anak: Mother's instinct yarn!

Ai Ai delas Alas

MARAMING beses nang napatunayan ng Comedy Queen at Kapuso star na si Ai Ai delas Alas na totoong-totoo ang kasabihang “Mother knows best.”

Naichika ni Ai Ai sa BANDERA at ilan pang piling members ng entertainment media ang naging usapan nila noon ng kanyang anak na si Sophia tungkol sa naging dyowa nito.

Unang natanong ang beteranang komedyana tungkol sa mga naging komento niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Pinoy champ na si Carlos Yulo at ng kanyang pamilya, partikular na ang nanay niyang si Angelica Yulo.

Siyempre, relate much si Ai Ai sa sitwasyon ni Angelica dahil isa rin siyang nanay at alam daw niya kung ano ang nararamdaman ng isang nanay kapag nakakaalitan ang anak.

Baka Bet Mo: Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Mas kinampihan din ni Ai Ai si Angelica pagdating sa pakikipagrelasyon ni Carlos kay Chloe San Jose. Pinayuhan pa nito ang content creator na huwag na huwag aawayin ang nanay ng kanyang boyfriend.


Pero naniniwala rin naman ang veteran comedienne na may hangganan din naman ang pakikialam ng mga magulang sa kanilang mga anak lalo na sa isyu ng pakikipagrelasyon.

“Meron din naman. Pero kasi kapag nakikita mong…ang mother’s instinct, kasi bihirang magkamali ‘yan, eh. Kapag nakikita mo na hindi na maganda ang outcome para sa anak mo. makikita mo ‘yan, eh. Kaya ang nanay tumatanggi, kaya ang nanay ayaw.

“Ako ganyan ako, kay Sophia lang,  nakakatawa ang nagyari sa amin. Sabi niya, ‘Mommy, parati ka na lang kumokontra.’ Kasi noon, sinasabi ko, ‘Sophia, alam mo ‘yang si ano, parang bakla ‘yan. Parang medyo malambot.’

“Nagalit, ‘Mommy, ikaw lahat na lang may pintas ka.’ Sabi ko, ‘O sige, tingnan natin.’

“O, tama ako. After six months, wala na sila. Bakit? May dyowa! Sabi ko, ‘Confirmed!’ Mothers know best!” rebelasyon ni Ai Ai.

Ang mas nakakaloka, knows na raw ng anak niya pero nagbulag-bulagan pa raw, “Alam niya, nagtatanga-tangahan lang. Siyempre, kapag in love, nagtatanga-tangahan ka.


“Kahit marami ka nang nakikita, lahat na ng tao sa paligid mo sinasabihan ka, ikaw lang ‘yong nagtatanga-tangahan. Makikita mo lang ‘yan ‘pag lumabas ka sa sitwasyon. Kapag in love ka, hindi ka naman makikinig, eh.

“Maniwala kayo sa akin, hindi ‘yan makikinig. Maghihintay ka lang. Maghihintay ka lang ng time. Ikaw lang, sa loob mo, ‘Sige, bahala ka.’

“Gaganyan ka sa anak mo. ‘Bahala ka, buhay mo naman ‘yan, Basta, heto ang sinasabi ko sa’yo. After niyan saka mo ‘yan makikita.’ Totoo naman, di ba?” mariing sey pa ng komedyana.

Samantala, bumalik sa Pilipinas si Ai Ai mula sa Amerika para lang sa pagbabalik ng “The Clash” ngayong 2024 bilang isa sa mga members ng Clash Panel.

Napapanood ito every Saturday, 7:15 p.m. sa GMA, hosted by Julie Anne San Jose and Rayver Cruz.

Read more...