Ogie Diaz kay Liza Soberano: Sana magising na siya

Ogie Diaz kay Liza Soberano: Sana magising na siya

NANINIWALA ang talent manager na si Ogie Diaz na nadidiktahan lang ang kanyang dating alaga na si Liza Soberano kaya nagbago ito.

Sa kanyang latest episode mg “Showbiz Update” sa YouTube kung saan kasama nito sina Mama Loi at Ate Mrena, muli nilang napag-usapan ang isyu sa pagitan nina James Reid, Jeffery Oh, at ng dating alaga na si Liza Soberano.

Napag-alaman kasi nila Ogie base sa kuwento ni James ay mismong si Liza raw ang humungi ng tulong para makalabas si Jeffrey Oh mula sa pagkakahuli sa kanya ng immigration.

At sa pag-alis nga ni Liza sa careless ay palaisipan kung si Jeffrey Oh na nga ba ang katulong ni Liza sa kanyang career at patuloy ang kanilang komunikasyon.

Baka Bet Mo: Payo ni Ogie Diaz sa ama ni Carlos Yulo: Hinay hinay lang

“I’m sure mayroon rin naman [tulong si Jeffrey] as consultant or adviser ni Liza,” sey pa ni Ogie,

Nabanggit rin niya na maging si James ay nagbabala na kay Liza at pinag-iingat ito laban kay Jeffrey Oh.

Hindi naman mapigilan ni Ogie ang mag-alala sa dating alaga dahil sa kasalukuyang nangyayari sa career at sa buhay nito ngayon.

“Sana magising na si Liza sa katotohanan na kailangan na niyang magising. Dahil ako kilala ko ‘yung bata na yan. Di ko makalimutan na mabait yang bata na yan. Hindi ko lang alam kung bakit nag-360 degrees na change ang nangyari.

“Alam mo, we are open to changes pero huwag naman ‘yung 360 degrees. Parang hindi na si Liza ‘yun,” lahad ni Ogie.

Naniniwala rin siya na hindi lang naman si Liza ang may pakana sa likod ng mga nangyayari bagkus may mga tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang mga sinasabi at nagiging desisyon.

“Ako ah, para sa akin, parang iba e. Parang nadiktahan. Katulad ng vlog niya, hindi ako naniniwalang galing lahat ‘yun kay Liza. ‘yung mga sinabi niyang yun?” sey pa ni Ogie.

Usisa naman ni Mama Loi, “Sinong nag-dikta?”

Ang tanging naging tugon na lang ni Ogie, “Oh?”

 

Read more...