Showtime contestant ‘di kilala ang 1st Filipina president ng bansa, viral

Showtime contestant 'di kilala ang 1st Filipina president ng bansa, viral

LAMAN ngayon ng usap-usapan sa social media ang lalaking guro na naging contestant sa segment ng “It’s Showtime“.

Marami kasi sa mga netizens ang disappointed dahil hindi man lang nito kilala kung sino ang unang babaeng presidente ng Pilipinas gayung isa siyang guro.

Sa segment kasi ng “Throwbox!” kung saan ito kasali, ang bungad na tanong sa contestant ay sino ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas ngunit mali ang naging sagot ni Tony, ang gurong contestant.

“Gloria Macapagal Arroyo,” may bahid ng kasiguraduhan sa kanyang boses.

Baka Bet Mo: Ama ni Cianne nanggigil sa basher na pinapaalis ang anak sa ‘It’s Showtime’

Mapapansin rin ang pagtahimik ng madlang pipol dahil alam ng mga ito na mali ang sagot ng guro.

Matapos nga na maanunsyong mali ang sagot ni Tony at ang tamang sagot ay ang yumaong si Corazon Awuini.

Present naman that time sa “It’s Showtime” si Divine Tetay, ang isa sa mga kilalang impersonator na bunsong anak ng mga Aquino na si Kris Aquino.

“Na-surprise ako kasi alam kong alam mo ‘yun. You’ve been to Korea, nag-master’s ka and all, and you forgot that important thing na, my goodness, my mom, Corazon Cojuangco Aquino. Nakakaloka ka don,” hirit ni Tetay na in character as Kris.

“Di ba? Dapat alam nating lahat ‘yun,”pabirong sabi naman ni T’yang Amy.

“Itanong mo sa bata, they will give you that answer. Bakit ka nagkamali? Parang nagulat ako, I was super confident. Sabi ko ‘this guy will definitely answer correctly.’ Nong sinabi ‘yung ibang pangalan nalungkot ako. Bakit?” pagpapatuloy ni Tetay as Kris.

Nabangit kasi ni Tony na nag-college siya sa Saint Pedro Poveda College at naging representative rin siya sa isang research conference sa Seoul National University noong nakaraang taon. Siya lamang daw ang nag-iisang Pinoy na nakasali doon. Bukod rito ay nag-masteral rin siya at nagtuturo ng Literature at English.

Inamin naman ng “It’s Showtime” comtestant na kinakabahan raw talaga siya lalo na at may time limit ang pagsagot.

Agad nga ring nag-trending sa social media ang naturang “It’s Showtime” contestant sa X.

“Jusko, basic na first female president GLORIA ARROYO LIKE? SIR???? ” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, ““Nagyabang pa yung player na sya lang yung only Filipino chu chu sa Korea pero hindi kilala kung sino first woman president ng Pilipinas.”

“KALOKA KA TONY! Confident pa sya sa Gloria Arroyo HAHA,” hirit pa ng isa.

Read more...