PINAALALAHANAN ni Angelica Yulo ang publiko tungkol sa kumakalat na pekeng Facebook pages na gumagamit ng kanyang pangalan para makakuha ng pera.
Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, September 19, naglabas ito ng babala tungkol sa mga scammers na ginagamit ang kanyang pangalan.
“Be vigolant!” Ito ang bungad ng post ni Angelica.
“May mga naglalabasang mga fake accounts ko po and may mga quote cards pa,” pagpapatuloy pa niya.
Baka Bet Mo: Angelica Yulo tatanggap ng ‘Ulirang Ina’ award mula sa SEAAA
Idiniin ni Angelica na isa lamang ang kanyang Facebook account.
“Inuulit ko po iisa lang po ang Facebook acct ko wala nang iba pa.. aside from my live selling wala na po akong ibang post,” saad ng ginang.
Dagdag pa ni Angelica, “we’re trying to move forward po. God bless sa mga naninira po sa akin.”
Marami naman sa kanyang mga kaibigan ang tumutulong para i-share ang babala at para maiwasan na rin na magkaroon ng biktima ang mga naturang scammers.
Matatandaang kasabay ng pagsabog ng isyu sa pagitan nila ng anak na two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ay dumagsa ang followers at supporters ni Angelica.
At dahil dito nga ay marami ring masasamang loob ang balak mag-take advantage ng sitwasyon kaya naman ngayon ay nananawagan ang ginang para wala na ring mabiktima ang mga ito.
Sa kabilang dako naman ay active rin ang asawa nitong si Mark Andrew Yulo sa Facebook at kusang loob nitong ibinibigay ang kanyang GCash number para sa mga taong nagnanais na magpadala sa kanya ng ayuda.