Neri nagagalit ‘pag hindi hinahalikan ni Chito sa lips: Sobrang swerte ko!

Neri nagagalit 'pag hindi hinahalikan ni Chito sa lips: Sobrang swerte ko!

Neri Miranda at Chito Miranda

SUPER flex ang OPM icon at singer-songwriter na si Chito Miranda sa pinakamamahal niyang asawa na si Neri Miranda.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Parokya ni Edgar frontman ang glossy photo ng kanyang wais na misis na may mahabang caption.

Kuwento ni Chito, parang hindi raw totoo na na-in love sa kanya ang napakagandang asawa na bukod daw sa napakabait na ay napakamaasikaso pang wifey.

“Asawa ko habang nanonood ng tv.

“Akalain mong inlab na inlab sa akin ‘tong babaeong ‘to?! Parang kalokohan eh!” ang simulang pagbabahagi ng award-winning musician at businessman.

Baka Bet Mo: Darryl Yap: Itong mga Kakampink na ito, nangarap na naman na makaka-points sa akin

Patuloy pa ni Chito, “Tapos sya pa yung nagpapasalamat na mahal ko sya. Palagi nyang sinasabi ‘thank you for loving me’…sinasabi ko nalang, “you’re welcome.

“Sya pa yung nagagalit kung hindi ko sya sa lips hinahalikan tuwing kumi-kiss ako pag umaalis or dumarating ako sa bahay.


“Gustung-gusto pa akong pinag-sisilbihan, inaalagaan, at pinaghahandaan kahit di naman ako alagain,” sey pa ng husband ni Neri.

Wala rin daw siyang problema kay Neri pagdating sa pakikipagbarkada, “She let’s me go out with my friends kahit kelan ko gusto (kaso mas trip ko lang talaga sa bahay hehe), tapos hinahayaan nya ako maglaro ng matagal sa video games kung trip ko, minsan may snacks pa nga!

“Ayaw na ayaw pa nyang humihingi ng pera kapag may bibilin sya (pero syempre sobrang naa-appreciate naman nya tuwing nililibre ko sya),” saad pa ni Chito sa kanyang IG post.

“Ewan ko ba pero sobrang swerte ko lang talaga sa kanya…or siguro, ‘blessed’ ang mas bagay na term.

“Di ko talaga alam kung ano ginawa ko to deserve her, pero sobrang naa-appreciate ko talaga sya, at ginagawa ko din naman ang lahat para maramdaman nya yun.

“Mabuti nalang talaga nilandi ko sya sa Twitter.

“‘Kuya Chito’ pala ha? Kuya mo mukha mo,” ang hirit pa ng OPM legend.

Read more...